pinamumunuan ni Atty. Jill. Wala po dito ang head ng Gender and Women ang kasama po namin ay si Ms. Jay. Wala rin po dito ang mga taga-Crisis Center dahil ang focus po nito ay sa mga IDPs (Internally Displaced Persons) na gawa ng mga kalamidad o ng g‟yera. Ang opisina po ng CHR ay nandoon sa UP Diliman. At mula sa opisina namin ang buong team ng CHR ay nandito ngayon. Si Aileen at Arman ay mula sa aming Finance, si Frances mula sa Policy Office, si James at Malou po ay ang naka-talaga sa Region IV-B (MIMAROPA), at may kasama kaming tatlong (3) documenter, sila Jowie, Fatima at Hannah para mabigyan ng aksyon ang mapag-uusapan dito. Ang CHR po ay mayroong labinlimang (15) Regional Offices at limang (5) sub-offices sa buong bansa. At ang una po namin na pinagtuunan ng pansin ay ang mga concerns ng mga Katutubo. Kaya simula noong 2016 si Atty. Jess at ang mga Komisyoner at nag-plano kung papano bibigyan ng mga karampatang tulong at aksyon ang mga issues and concerns ng mga Katutubo. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng National Inquiry at ito ay dahil sa tulong ng aming Konsultant na si Roy Cabonegro. Si Roy ang mag-sasalita upang malaman ninyo ang tungkol sa IP Human Rights Observatory (IPHRO) na ito ay para rin sa inyong kabutihan. Maraming salamat po sa inyong pakikinig. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [8]

Select target paragraph3