Dir. Basas: May dalawang mahahalagang bagay na dapat mangyari: a) magkaroon ng dokumentasyon and reporting – ito ang magiging mahalang partisipasyon ninyo; b) mag-a-attend sa mga dialogues para malaman kung anong nangyayari sa ating programa. Kung may report may aksyon, matututukan na natin ito. Mr. Cabonegro: Hindi namin naipakita na ito ay isang mekanismong online na makikita ng mga tao sa buong mundo. Kung cellphone ang gagamitin, magkakaroon tayo ng iisang numero at iisipin natin kung sino lamang ang p‟wedeng mag-text. Kayo mismo ang magsasabi kung sino ang dapat ninyong pagkatiwalaan bawat grupo o barangay, tribo o isang lugar. Dahil sa pinagkakatiwalaan ninyo ang tao na „yun – ang tawag po ay verified report o totoong report. Hindi po ito kagaya ng pagsusumbong kay Tulfo. Mag-ingat rin po kayo dahil baka masira ang buhay ng isang tao na ire-report ninyo. Ang tanong ay kung papano ang mag-report? May training po tayong gagawin dito. IPMR Limsa: Tungkol sa reporting kung ang problema ay tungkol lamang sa mga Katutubo hindi ito dapat i-report sa human rights. Participant: Gusto kong makasama ang CHR. Maraming problema sa Quezon na kailangan natin sila. Ms. Elsie Masa, Taytay: Magkaroon tayo ng agarang aksyon at ma-resolba ang mga problema sa komunidad. Magiging maganda ito para sa atin, dahil takot ang mga tao sa komunidad hindi kasi alam kung sino ang kakampi. Tanggapin natin ang offer ng CHR. Ranger Eliseo F. Rodrigo: Ang daming batas andyan ang E-NIPAS, ECAN, etc. pero ang katungali ay IPRA lamang. Nayuyurakan ang karapatan namin dahil naiipit kami sa mga nag-u-umpugang bato. Maganda ito para sa atin. Pastor Danuel A. Melan: Mas magandang may training ang mga magre-report dahil wala tayong idea. Salamat po at nandito kayo para tumulong. Motion to approve the IPHRO “Iminumungkahi ang pagtanggap ng IPHRO para sa mga Katutubo”: Herbert Dadizon – 1st motion IPMR Sapdul Guinto, Jr. – 2nd the motion Therefore the motion for the agreement that the agreement between CHR and NATRIPAL to establish a mechanism called IPHRO is approved. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [71]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents