CHR INTRODUCTION Dir. Renante A. Basas, M.D. Director HRCMO agandang Hapon sa ating lahat. Binabati ko po kayo sa inyong 47th Annual Meeting. Congratulations po! Alam na po ba ng lahat kung ano ang Komisyon ng Karapatang Pantao? (Commission on Human Rights). Ito po ay isang Pambansang Institusyon na nangangalaga at nagtataguyod ng mga karapatang pantao ng lahat ng Pilipino at kasama rito ang mga karapatang pantao ng lahat ng mga Katutubo. Isa sa mahahalagang mga mandato ng Komisyon ay ang pag-i-imbestiga sa mga paglabag sa mga karapatang pantao ayon sa CPR (Civil Political Rights) at ESCR (Economic Socio Cultural Rights). Ikalawa, nagbibigay rin po ang CHR ng tulong pinansyal at legal sa mga ina-abuso ang mga karapatang pantao. Ikatlo, ang CHR ay nagtataguyod ng Edukasyon tungkol sa karapatang pantao. Ikapat, kami po ay bumibisita sa mga kulungan sa buong Pilipinas para tingnan kung ano ang kalagayan ng mga kapatid natin na naka-kulong. Titingnan ang kanilang kondisyon kung ito ay naaayon sa mga karapatang pantao. Noong 2016 ang Komisyon ay nagtatag ng isang opisina para matutukan ang mga kababayan natin na nasa laylayan ng lipunan (marginalized groups). Ang tawag dito ay Human Right Center Management Office (HRCMO) at ito ay mayroong apat na centers: a) Child Rights Center; b) Center for Gender Equality and Women Human Rights; c) Economics Social and Cultural Rights (ESCR) Center; and lastly d) Center for Crisis Conflict and Humanitarian Protection. Ang mga usapin ng mga Katutubo ay napapaloob sa ESCR na pinangungunahan at pinamumunuan ni Atty. Jess. Samantalang ang Child Rights Center ay NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [7]

Select target paragraph3