ang pumirma ng mga COCs sa mga Pulis na hindi naman mga IPs. Ang pagpirma sa isang COC ay pagbabahagi ng karapatan bilang isang Katutubo. Ito ay
pag-bibigay ng karapatan na makibahagi ang iba sa ancestral domain. Ang mga
elders ay nag-desisyon na parusahan ang nagkasala ayon sa customary law. Ang
parusang “TIGE” ay ang pagpapakulo ng tubig na may bato at ilalagay ang kamay
doon upang malaman kung ang isang tao ay nagsasabi ng totoo. Ang tao ay
umaming nagkasala at nag-desisyon ang mga elders na parusahan. Ang parusa:
100 hagupit sa bawat barangay. Samantala ang desisyon ng HRO ay nababatay
naman sa makataong pamamaraan.
Binigyan ng RHO ng 2 buwan ang mga elders para mag-desisyon ng bagong
kaparusahan. Ang napagkasuduan:
1) ipagbawal na mag-representa para sa mga Katutubo;
2) bawal sumama sa pulong ng mg FPIC, pumirma ng COC at iba pa;
3) hindi s‟ya p‟wedeng maging IPMR, lumahok sa mga pagtitipon na
ipinatatawag ng mga gobyerno, NGO at anupamang pagtitipon na ang
kinakatawan niya ay Katutubo;
4) mag-punta sa mga elders ng bawat barangay at humingi ng tawad sa loob ng
30 araw; at;
5) gumawa ng affidavit upang sabihin na ang mga naka-tanggap ng COCs ay
hindi Katutubo. Ang customary law ay dapat matatag at buo para sa pag-lutas
ng mga problema ng bawat Katutubo. Ang RHO desisyon ay nai-pahatid na
rin sa PNP upang sila ang mag-desisyon sa kanilang mga opisyales na
nabigyan ng COCs.
Ang usapin ng Customary Law kapag naihain sa RHO ay hindi kailangan ng isang
abogado. Maghanap lamang ng isang maayos na tagapag-salita upag makapagsampa ng kaso. Ano ang mga kailangan?
- May malinaw na IPS ang mga Katutubo
- Ang isang IPS ay dapat may mga desisyon na pinaninindigan
- Ang isang IPS ay may malinaw na proseso ng pagdedesisyon e.g. Sino ang
dapat magdesisyon? Ano ang paraan ng pagdedesisyon? Ito ba ay botohan?
Sino ang mga dapat bumoto? Ito ba ay bawat angkan? Dapat ba ay isa
lamang sa bawat pamilya? Etc.
Case 2: Dumagat in Montalban. Ang Montalban Rizal lamang ang nagkaroon ng
IPMR sa loob ng tatlong (3) araw. Ito ay IPMR sa lahat ng barangay at iang
IPMR para sa Municipal. Sabay sabay silang umupo at hanggang ngayon ay
walang nagrereklamo. Ang unang ginawa nila ay ang “GABAY” tinawag ang
“Kasaktaan” (representante) mula sa kababaihan, kabataan at ng mga elders.
Ang “Gabay” ang nagtakda sa pagpili ng mga IPMRs para sa mga Katutubo sa
Montalban. Ang lahat ay ayon sa kanilang Gabay ang sinunod.
Ang madalas na gawin ng mga Katutubo sa ibang lugar ay ang pag-pili ng IPMR
bago ang pag-gawa ng gabay. Ang madalas na gawin ng ilang Katutubo ay ang
isunod ang Gabay ayon sa katangian ng mga IPMRs.
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[26]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents