- Detectability – gaano kayo ka-pamilyar sa inyong lugar? Gaano kayo katagal sa inyong lugar? Ano ang ginagawa n‟yo? etc. Local Ecological Knowledge – magpapakita ng ilang larawan ng mga hayo at itatanong kung kayo ay pamilyar dito? Ano ang local na tawag? Ito ba ay nakikita sa inyong barangay? Anong taon? buwan? Gaano kadalas? Sa inyong kaalaman kailangan bang protektahan ang hayop na ito? Etc. Ano ang gagawin sa resultang makukuha galing sa pag-aaral? - Makatutulong ito sa distribosyon ng Pangolin o Balintong sa buong Palawan - Makatutulong ito sa pag-priority ng area para maproteksyunan ang hayop na ito, na dito lamang makikita sa Palawan Ms. Chai: Kami po ay hihingi ng suhestyon ninyo kung papaano kami makaka-hingi ng pormal na proseso ninyo upang maka-punta kami sa inyong mga barangay. OPEN FORUM Participant: Nalaktawan ang isang barangay, doon nagmula ang Balintong. Ms. Chai: Nakipag-coordinate po kami sa Katala Foundation at iba rin po kami sa Sabin para hindi ma-duplicate ang aming ginagawa. Ms. Darleen: Ang ginawa po namin ay random lamang na mga lugar kaya hindi pa namin alam kung itong lugar ba na ito ay mayroong mga Pangolin. Kung sinasabi n‟yo pong mayroong doon sa isang barangay ay p‟wede po kaming magkaroon ng KII. Participant: May pumasok na ibang grupo sa isang barangay namin. Hinarang namin dahil hindi sila nag-paalam sa amin. Ms. Chai: Kaya po kami nandito upang magpakilala muna po kami sa inyo at malaman kung ano ang mga proseso na dapat naming gawin. Kumuha rin po kami ng mga permit sa NCIP, DENR at sa iba pang mga ahensya at pumupunta po kami sa areas para sa mga traditional issues n‟yo po para hindi mangyari sa amin ang ginawa ng ibang grupo. Participant: Mga grupo po ito nila Sabin, pero protect the wildlife rin po ang ginagawa nila at kasama ang Pangolin sa research nila. Ibang areas rin po ang namention sa inyo. Ms. Darleen: Ang sisiguraduhin po namin na ang lahat ng gagawin po namin ay ipag-papaalam namin sa mga kinaukulan upang maging legal at sa tamang proseso. Sa ngayon po ay survey lamang muna po kami. Participant: Marami sa amin dati ngayon ay wala na. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [12]

Select target paragraph3