4
maiyak sila ng makita kami. Sa kabila ng lahat, parang nabunutan ako ng malaking
tinik nang makita ko sila na kumpleto at ligtas na sa baha.
Gayunpaman, matapos na humupa ang tubig-baha, lumantad naman ang
gabundok na putik at mga gamit sa bahay na nagkarambola sa loob ng bahay.
Nakakapanlumo na ang sumunod na mga eksena, ultimo personal na mga gamit gaya
ng underwear, toothbrush… ay hindi na mapakinabangan. Iniisip ko pa lang ang
gahiganteng limasin, pagod na ako.
Paano kami magsisimula? Saan kami magsisimula? Paano kami mabubuhay?
Saan kami matutulog? Saan kami magluluto? Saan kami kukuha ng pagkain?
Nakaligtas nga kami sa peligro ng pagkalunod sa baha pero baka mamatay naman
kami sa gutom at sobrang pagod. Ang daming tanong, ang daming isipin. Sumasakit
ang ulo ko sa kaiisip at masakit na ang katawan ko sa kakalimas ng tubig at putik.
Malupit si Ondoy, halos wala siyang itinira sa amin. Ang kabuuan ng ipinundar ng
pamilya sa mahabang panahon sa ilang sandali lamang ay nawala lahat.
Pero ipinagpapasalamat ko pa rin na ligtas ang buong pamilya. Sumunod na
mga araw, ibang problema naman ang sumulpot. Kawalan ng malinis na tubig,
inuming tubig, pagkain, basura, at higit sa lahat kalusugan. Kaakibat ng paglilimas
sa putik, ang banta ang “leptospirosis” outbreak sa aming lugar dulot din ng baha.
Tinamaan ng leptospirosis ang tatay ko dahil sa bukas at sariwang sugat dulot ng
pagkakapako ng kanyang paa at tulad ng iba, nanatili din siya sa ospital ng dalawang
(2) araw. Mabuti pa rin at nakaligtas siya sa tiyak na peligro, pero ang ilan sa aking
mga kapit-bahay at kabaryo, sinawing-palad at hindi nakaligtas sa inpeksyon na
dulot ng leptospirosis.
Dahil sa Ondoy, naitulak ang buo kong pamilya na makitira muna sa bahay
ng aking kasama sa Fairview. (3) Tatlong buwan din kaming nakitira sa bakanteng
bahay sa Fairview. Samantala, ang mga pamangkin ko ay nakipisan muna sa mga
kamag-anak na hindi nabaha sa Marikina para sa kanilang pag-aaral. Tuwing
weekend ay umuuwi sila sa Fairview. Lahat ay “naiba” ang pamumuhay matapos
ang Ondoy.
Sa Ondoy, naramdaman ko ang pinakamahirap na pakiramdam— ang
pagbaba ng dignidad. Alam ko na hindi handa ang gobyerno sa kalamidad gaya ng
Ondoy kaya marami sa mga opisyal at kawani ng gobyerno ay hindi alam ang
gagawin, walang sistema, at hindi organisado. Makikita ito sa kung paano
rumesponde sa mga nasalanta.
Ilang beses din akong pumila para makakuha ng tulong o relief. Matiyaga
kaming pipila, kasama ang maraming kababaihan, bata, tatay, nanay, lolo, lola,
bading, at tomboy sa pagdating ng “relief” truck para maghagis ng anumang pagkain
o goods. Palakasan sa pisikal na pangangatawan ang labanan, uuwing walang
nakuha ang mahihina at matatanda.
Minsan naman, maaga na kaming pipila kahit wala pa ang relief, magpapalista
ng pangalan at maghihintay ng buong pasensya at tiyaga dahil matapos ang
maraming oras darating na ang mamamahagi ng relief. Nakakatuwa dahil may mga
namimigay ng damit. Pero ang hindi nakakatuwa ay iyong makakatanggap ka ng