5 Q17: Ano naman po ang mga napag-usapan ninyo? A17: Maraming mga anak ng mangingisda ngayon ang hindi nakakapag-aral na o nahinto sa pag-aaral bunga ng kahirapan ngayon sa pangingisda hindi tulad noon. Napipilitang maghanap-buhay ang mga anak ng mangingisda imbes na mag-aral. Sumasama sila sa mga magulang nila para mangisda. Iyong karamihan mga edad 13-16 sumasama sa maliliit na kapitalista (commercial fishing) na may-ari ng mga bangka. Nao-obliga sila sumama, lalaot sa umaga o kaya sa gabi. Hindi ka makapangisda kung ikaw lang, mahirap… kaya sasama ka sa mga kapitalista. Kasi kahit wala silang huli, may sandalan sila… dito sa mga kapitalista sila makaka-utang. Babayaran nila iyong utang nila kapag may huli ng mga isda… partehan ang nangyayari. Nabubungsod sila sumama sa ganitong sistema para mabuhay… makakain… Mga mangingisda paparte… kapag walang nahuli, hihinto sila… uutang ng bigas para makakain. Iyong utang na iyon… kapag walang huli at partehan, mababaon ka talaga sa utang. Pati mga kababaihan ngayon ay lumalahok na sa produksyon ng pangingisda para makaraos sa pang araw-araw. Ang mga babae ang nagtatahi ng mano-mano ng lambat… paghahayuma ng lambat kung tawagin. Bulnerable ang buhay ng mga mangingisda. Pati tirahan namin nalalagay sa “danger zone” dahil sa pagbabago ng klima at kalamidad na hindi maipaliwanag. Ang mga bahay ng mangingisda, malapit sa dagat. Hindi mo kami pwede ilayo sa tubig kasi diyan ang kabuhayan namin. Hindi lang bahay pati ang bangka nasisira kasi sa tabi lang naman ng bahay nilalagay ang bangka. Dati kasi bibilang ang taon bago magkaroon ng malalakas na bagyo. Ngayon, ito na ang naging normal. Q18: Ano naman po ang ginagawa ng inyong samahan para matugunan ang mga problemang ito? A18: Sinisikap din naming tumulong sa pag-reforest ng mangroves. Wala naman kaming miyembro na gumagamit ng dinamita, trawl… kung mayroon man gumagamit ng fine fish net, ito ay tulak ng pangangailangan… tulad ng paghuhuli ng alamang… kasi kelangan maliit ang mata ang gamitin doon, kung hindi lulusot naman ang alamang at maliit na isda . Tingin namin kailangan talagang protektahan ang ekolohiya ng ating karagatan. Pero ang tingin namin hindi kami ang malaking kontribyutor sa usaping pagbabago ng klima o climate change. Ang mga malalaking industriya tulad ng coal power plants… kasi hindi lang dagat ang nilalason nila, pati hangin.

Select target paragraph3