2
may ilan sa mga kasamahan namin nai-stroke, siguro sa tindi na rin ng
init. Napag-usapan nga namin na kapag ito ay magpatuloy,
maapektuhan talaga ang kita namin.
Q7: Nabanggit mo ang nai-stroke. May mga humihinto ba sa
pamamasada, o kaya ay namamatay?
A7: Meron ho. Sa na-istroke tatlo at ito ay kasalukuyang hindi
nakakabyahe at isa ay patay. Ito ho ay vice president ko pa. Pero hindi
ko naman tiyak ang sanhi kasi hindi naman ho ako doktor. Gusto ko
nga rin po malaman sa imbestigasyon ng CHR kung may “link” nga
sa climate change.
Q8: Bukod po rito, mayroon pa ba kayong nakikitang pagbabago
mula noong nag-umpisa kayo magmaneho ng dyip noong 2004?
A8: Umiiksi rin minsan biyahe kasi mabilis uminit ang makina dahil nga
sa sobrang init ng panahon.
Q9: E ang ulo po, umiinit din ba?
A9: Oho, madaling uminit ang ulo ng mga drayber pati mga pasahero lalo
na ngayon na sobrang init.
Q10: Meron po ba kayong nakikitang solusyon sa problemang dulot ng
sobrang init ng panahon na sinasabi ninyo?
A10: E sabi ng gobyerno magmo-modernize na nga raw at mag-rerenewable energy na… kasi malakas nga daw sa karbon yung
transport sector… na nagko-contribute sa climate change… parang
lumalabas kasalanan namin ang climate change.
Q11: Ano po ang sagot ninyo kung kayo nga ang tinuturong may
contribution sa climate change?
A11: Hindi naman po makatarungan na kami ang masisisi sa climate
change. Hindi naman po kami ang gumagawa ng gasolina at krudo.
Kung may iba po kaming magagamit para patakbuhin ang mga
sasakyan na ligtas, hindi karbon at makatwiran ang presyo e doon na
po kami. Hindi rin naman po kami tutol sa modernization program ng
gobyerno at paglipat sa renewable energy. Pero dapat naman sana
may just transition, hindi biglaan. Kailangang maalalayan kami sa
kapital at kita dahil kung basta tatanggalin ang jeep at papalitan ng ejeepney, saan naman kami kukuha ng pangsustento sa aming pamilya
at pambili ng bagong e-jeepney.
Q12: Kailan po naitayo ang inyong samahan at ilan po ang
kasalukuyan ninyong miyembro?
A12: Noong 2008. Ngayon siguro humigit-kumulang 27,000 kami
nationwide sa Luzon, Visayas, at Mindanao.