Salaysay ni Gng. Delia A. Tulagan Delia Asis Tulagan, 57 taong gulang, balo, isang magsasaka at Barangay Kagawad sa Barangay Tanawan, Capalonga, Camarines Norte. (Ang panayam kay Gng. Delia A. Tulagan ay naganap noong ika-31 ng Hulyo taong 2018 sa Capalonga, Camarines Norte. Ito ay inilahad kina Atty. Hasminah D. Paudac at Gg. Mohamad Rayyan M. Domado.) Q1: Maaari niyo bang ikwento paano kayo nagsimulang magsaka? A1: Nang sumakabilang-buhay ang nanay ko at iniwanan kaming magkakapatid ng aming tatay, nagsimula akong magsaka. Mga sampung taong (10) gulang ako noong panahong iyon. Sumama ang tatay ko sa ibang babae at naibenta niya ang palayan namin. Nakitira kaming magkakapatid sa aming lola, ngunit dahil masungit siya, napilitan kaming umalis. Pumunta ako sa tiyahin ko. Hindi ko alam kung saan pumunta ang mga kapatid ko, kaya nagkawatak-watak kami. Tumulong ako sa tiyahin kong magsaka hanggang 16 na taong gulang ako. Nagsasaka kami ng aking tiyahin simula 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, at mula Lunes hanggang Biyernes. Sa aking pagsasaka, binabayaran ako ng ng 75 sentimos bawat araw. Naglayas ako muli nang pinilit ako akong magpakasal sa lalaking hindi ko gusto. Sumama ako sa taong mahal ko at ikinasal kami noong 1976. Binigyan kami ng tatlong ektaryang lupa ng mga magulang niya at diyan namin ipinagpatuloy ang pagsasaka. Gumagawa kami ng danawan na taniman ng mga palay, at nagtatanim na kami ng niyog. Q2: Sa tagal ninyong pagsasaka, mayroon bang pagkakaiba ang pagsasaka noon at ngayon? A2: Matataba talaga ang lupa at napakalawak ng danawan noon. Maganda at marami kaming naaaani na iba’t-ibang uri ng palay. Hindi kami gumagamit ng pataba at maganda ang mga ani. Nang lumala ang pagsisira ng kagubatan at nakakalbo na ang mga kabundukan noong1980s, nagbabago-bago na ang klima, at nagkakaroon na ng problema ang danaw namin. Hindi na maganda ang pananim namin kaya nag-umpisa kaming gumamit kami ng pataba. Q3: Bakit hindi na maganda ang naaani ninyo? A3: Dahil yata sa klima na sobrang init. Noon, nakakaya ko pang magtanim buong araw. Ngayon mga dalawang oras lang kami nagsasaka kasi pagkapatak ng 10:00 ng umaga, hindi ko kaya ang init. Q4: May pinagkaiba ba ang panahon ng inyong pagtatanim at pag-ani noon at ngayon?

Select target paragraph3