2
A4:
Wala naman. Dalawang panahon ng pagtatanim at pag-ani (o cropping)
ang sinusunod namin. Ang unang panahon ay Enero tapos sa katapusan
ng Marso hanggang Abril ang aming pag-aani. . Ang pangalawang
panahon ay sa Hulyo at sa Oktubre kami nag-aani.
Q5: Anong ginagawa ninyo sa Mayo at Hunyo, at sa Nobyembre at
Disyembre?
A5: Sa Mayo at Hunyo, hindi kami nagtatanim dahil ang lugar na
pinagtataniman namin ay siyang pinagbubulukan ng pananim. Hindi
rin kami pwedeng magtanim ng Nobyembre at Disyembre dahil
malakas ang hangin sa mga panahong ito at mamamatay lang ang
pananim.
Q6: Gaano kalaki ang taniman ninyo?
A6: Ang aming palayan ay mga 1/2 ektarya. Ang 2 ½ na ektarya ay
tinataniman namin ng saging at niyog.
Q7: Anong pagkakaiba ng palay noon at ngayon?
A7: Noon, malulusog, mabeberde at magaganda ang dahon ng mga palay.
Ngayon, naninilaw na ang mga ito. Kung hindi namin lagyan ng pataba,
hindi magiging malusog ang mga palay.
Q8: May pagbabago ba ang inyong pag-aani?
A8: Noong taong 2010, nakakaani kami ng 60 na kaban sa dalawang
panahon ng pagtatanim at pag-aani.Ngayong taong 2018, umaani kami
ng 20 hanggang 25 na kaban na lang. Bale, mga 50% na ang nawala.
Q9: Kumusta naman ang inyong niyugan? May pinagkaiba ba noon at
ngayon?
A9: Nagsimula kaming magtanim ng niyog noong 1980. Mga 200 na buko
ang nakukuha namin. Ginagamit naming pang-kopra ang mga niyog.
Binibenta namin ng tatlong piso (P3) ang bawat niyog. Ngayon,
mahirap magpalaki ng niyog sa sobrang init. Ang lupa nagbibitak dahil
sa sobrang init. Nahihirapang mabuhay ang niyog at natutuyo ang mga
dahon. Mga 30% ang nawawala sa dating kita naming dahil kumokonti
ang bunga ng niyog.
Q10: Ano ang personal na epekto sa inyo ng matinding init?
A10: Ang matinding init ang nagpapahirap sa amin kasi natutuyo ang sapa
kung saan nakadepende ang pananim namin. Dahil kulang o lumiit ang
pananim, lumiit ang kita namin at kinukulang ang pang-suporta sa
gastusin sa bahay at pagpapa-aral ng aming anak.
Q11: Mayroon po ba kayong karanasan sa matinding bagyo?
A11: Oo. Tinangay ng bagyong Rosing noong 1995 ang bahay namin. Sahig
at haligi lang natira sa amin. Naubos lahat ng aming pananim. Mga
tatlong araw iyon. Kami ay pansamantalang tumira sa paaralan.