2 ko ang aming bahay at nasuportahan ko ang mga magulang ko pati na ang mga kapatid at pamangkin ko. Bago mag-Yolanda, lagpas ako sa Step 1. Q7: Ano ang Step 1? A7: Paniniwala ko kasi ganito. Step 1, walang-wala. Step 2, makabili ng bahay at may kaunting ipon. Step 3, wala na akong hahanapin. Bago mag-Yolanda, lagpas na ako sa Step 1, kumpleto sa gamit, maayos na tinutulugan. Ang pasok nang 2013 noon maganda. Magaan ang pera, madali kumita. PhP3,000 papa-rebond ng buhok. Ang tindahan ko lumago. Naka-ipon ako ng PhP50,000 at ibinili ko ng mga gamit sa bahay tulad ng ref, washing machine dryer, stand fan na dalawa, at iyong natira, ibinili ko ng kama. Kaya noong nag-Yolanda, nahirapan ako umalis ng bahay. Hindi ako umalis noong una kasi dahil sa mga appliances at mga naipundar ko na isang buwan ko lang na-enjoy. Q8: Maaari mo bang isalaysay kung ano ang nangyari noong Yolanda? A8: November 5, Tuesday, 60th birthday ng engineer na kaibigan ko. Nagi-impake kami noon kasi may warning na may bagyo raw na darating. Nasa gilid kasi ng dagat ang bahay namin kaya nag-prepare lang kami. November 6, Wednesday, dinala ko ang nanay at tatay ko sa evacuation sa Fisherman’s Village Elementary School. Ako lang ang naiwan sa bahay noong gabing iyon. November 7 ng gabi, bumalik ang tatay ko sa bahay at tinulungan akong ayusin ang mga appliances para hindi masira. Itinaas naming ang ref, ang washing machine nilagay sa mesa at itinali ng straw, inayos pati ang kama, iyong electric fan at TV dinala sa evacuation center. November 8 mga 4:00 ng umaga, ginising ko si tatay, nagdala ako ng dalawang damit, mga paninda ko inilagay ko sa dram at mga margarine na can. Namili ako sa tindahan ko worth PhP7,000… mga hotdog, bangus… kasi alam ko bebenta ito. Nag-prepare ako at pinuno ko ang ref ko. Mga 5:00 ng umaga ng November 8, hinatid ko si tatay sa evacuation. Ayaw niya pumayag na mag-isa lang ako sa bahay. Hindi niya alam na hindi ko maiwan kasi ang bahay dahil sa mga naipundar ko. Mga 7:00 ng umaga, nakita kong nabuwal ang malalaking puno. Doon ko nakita iyong nakikita ko sa pelikula. Unti-unting nilamong mga bahay. Natakot ako. Hindi ko akalain na ganoon pala kalakas ang bagyo. Noon ko lang naranasan ang ganoon.

Select target paragraph3