Salaysay ni Arthur S. Golong Arthur S. Golong, 42 taong gulang, taga Habitat for Humanity Village, Brgy. 106 Sto. Niño, Tacloban City. (Ang Salaysay ni Arthur S. Golong ay kinuha noong ika-5 ng Hulyo 2018 sa sa Hotel XyZ, P. Zamora St., Tacloban City, Leyte. Ang Salaysay ay kinuha ni Atty. Hasminah D. Paudac, kasama si Bb. Desiree Llanos Dee.) Q1: Ano ang kasalukuyan mong ginagawa o kabuhayan? A1: Ako po ay Presidente ng Homeowners sa aming lugar, namamahala rin ng salon sa aming bahay, at Administrative Aid I sa tanggapan ng Vice Mayor ng Tacloban. Q2: Ikaw ba ay tubong Tacloban? A2: Dati akong taga Samar. Lumipat kami ng Tacloban noong 1986 sa kadahilanan na sa Samar kasi maraming NPA. Noong nasa Samar kami, medyo maganda ang kabuhayan namin. Kumakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Kaso, magulo kasi doon dahil sa mga NPA kaya kami lumipat sa Tacloban. Grade 4 ako noon, mga 9 years old. Pero nakipagsapalaran ako sa Maynila noong mga 14 years old ako. Naging kasambahay hanggang namasukan sa parlor. Q3: Paano mo ilalarawan ang Tacloban noon? A3: Maganda pa dati. Kumukuha ako ng kangkong sa may fisherman’s village. Noon, parang hindi pagod ang mga tao. Marami ang fruit berries noong araw. Masagana pa. Mga wild fruits na pwede makain. Dati hindi rin ganoon kadalas umulan. Hindi ako nakaranas ng bagyong malalakas. First time talaga iyong Yolanda. Q4: Nasabi mong umalis ka sa Tacloban upang makipagsapalaran sa Maynila pero naranasan moa ng hagupit ng bagyong Yolanda. Kailan ka bumalik sa Tacloban? A4: Noong 2004 nag-decide ako na bumalik sa Tacloban. Naisip ko kasi na ang laki ng nagagastos ko sa Maynila. Iyong makakain ko sa isang araw, sa Tacloban dalawang beses ko kayang kainin. Q5: Sa iyong pagbalik, ano ang napansin mo, kung mayroon man? A5: Pag-uwi ko, ang laki ng pagbabago. Iyong bahay namin na mataas at elevated pa, pag-uwi ko pantay na ang dagat at iyong bahay naming. Inaabot na kami kapag high tide. Samantala noon, malayo pa ang dagat. Q6: Noong bumalik ka at bago humagupit ang bagyong Yolanda, kumusta naman ang iyong buhay? A6: Noong 2004-2010, namasukan ako sa parlor. Mga 2010, noong nakaipon ako, bumili ng gamit pang parlor para mag-home service. Nakapag-pundar din ako ng sari-sari store sa aming bahay. Napaayos

Select target paragraph3