Salaysay ni Gg. Buucan Hangdaan Buucan Hangdaan, 70 taong gulang, at taga-Bangaan, Ifugao, isang katutubong magsasaka. (Ang Salaysay ni Gg. Buucan Hangdaan ay kinuha noong noong ika-29 ng Hulyo taong 2018 sa Bangaan, Ifugao. Ang Salaysay ay kinuha ni Gg. Mohammad Rayyan M. Domado, Legal Assistant ni Attys. Hasminah D. Paudac at Grizelda Mayo-Anda, kasama si Bb. Desiree Llanos Dee at Gg. Albert Lozano.) Q1: Nabanggit niyo po na kayo ay isang magsasaka at taga Bangaan. Gaano na po kayo katagal na magsasaka sa Bangaan? A1: Hindi ako orihinal na taga-rito. Isinilang ako malapit sa Banaue. Nagsimula akong manirahan dito mahigit 50 years na sa ngayon simula noong ikinasal kami ng asawa ko noong 20 taong gulang ako. Q2: Bilang isang magsasaka, anu-ano ang inyong itinatanim? A2: Iba’t-ibang uri ng palay, at minsan mga vegetables. Q3: Anu-ano ang mga iba’t-ibang uri ng palay na inyong tinatanim? May pagkakaiba ba ang mga palay na ito? A3: Noon, ang tinatanim namin ay lahat tinawon. Ngayon, may mga inakyat dito na mga bagong palay. Ang kaibahan nito ay itong bagong palay ay may mas maraming bungang butil, pero ito ay maliliit. Mas mabuti pa ang mga palay noon kasi malulusog ang mga ito. Kahit hindi marami, mas mabigat naman ito. Q4: Nabanggit niyo na nagsimula kayong magsaka simula noong 20 taong gulang pa kayo. Ngayong 50 taon na ang nakalilipas, mayroon ba kayong napansin na pagbabago? A4: Oo. Noon, hindi masakit sa balat ang araw. Ngayon, masakit na. Kung magtatrabaho kami noon sa palayan hindi mo maramdaman ang init. Nagpapahinga lang kami kapag nagma-mama. Ngayon, pagdating ng alas-dose, kailangan nang umalis sa palayan. Noon, 7am-5pm an gaming pagtatrabaho sa palayan. Ngayon, hindi na namin maabot ang oras na iyon sa tindi ng init. Gumagamit na lang kami ng payong sa ulo. Kapag alas-onse masakit na ang araw. Kapag sa hapon, alas-dos na kami magtatrabaho ulit. Q5: Anong taon nagkaroon ng matinding init, kung naaalala ninyo pa? A5: Noong 1990s, wala pa. Ngayong 2000 umiinit na. Noon, nagsisimula kami ng 7:00 ng umaga tapos natatapos ng 5:00 ng hapon. Ngayon, masakit na sa balat kapag mga 11:00 ng umaga.

Select target paragraph3