3
ang nanay ko. Hindi sapat kasi ang inaani sa pangtustos ng pangaraw-araw na gastusin sa bahay. Buti na lang, isa po akong iskolar
noong estudyante ako. Iyong tatay ko minsan ang nagbibigay kapag
walang pang-allowance. Pero, sa gastusin sa bahay, apektado talaga.
Kaya minsan, humihingi kami roon sa lola ko ng palay para ipakiskis
lang namin at siyang makakatulong pantawid sa amin.
Q13: Sa mga pagkakataong ito, paano tinutugunan ng inyong mga
magulang ang ganitong sitwasyon na kaunti ang ani?
A13: Nahihirapan ang tatay ko kasi nagkakasakit siya paminsan-minsan.
Noong college ako, gustung-gusto ko na siya umuwi para
makapagpahinga. Pero ayaw niya, eh. Ito rin ang rason bakit hindi
nakapagtapos ng pag-aaral ang ibang kong kapatid. Minsan, si mama
naman, namasukan sa DPWH ng tatlong buwan. Ang trabaho niya ay
naglilinis at nagmementena sa kalsada.
Q14: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung
kinakailangan?
A14: Opo.
Dalia Nalliw
August 14, 2018