Question and Answer
Mr. John, OPAPP: I’ve been working as a gender specialist for more than 10 years and
community organizer din po ako. Wag lang din nating kalimutan na in this government, there
are also people who are fighting inside the government. Besides, marami na sa amin ang
umalis siguro because they have the power to do so, or may another option. But we remain
inside this government for whatever reason. Kasi kung aalis kami, sino na ang magiinfluence
sa loob ng mga ahensya ng gobyerno. And there are also some stories of good people in
this government.
Atty. Rubin, GEWHRC: Same question I asked sa panel ng region. Yung red-tagging laging
nangyayari sa organizations. Sa case ng Gabriela, nagfile sila ng case ng amparo. Nakita ba
natin pano rumisponde yung korte on that. In case of red-tagging communities, ano yung
nagwork na response ng organizations nyo or individuals, considering na ito yung ating
political climate?
Ms. Ranjo-Libang, Gabriela: Yung pakikipagugnayan sa iba’t ibang mga sektor like
simbahan, CSOs, even the local government, pwede gawin yan. Kasi ang response dapat is
response ng marami, hindi response ng iisa o dalawa. Yung isa pa, basta may nangyari sa
inyo, document agad, padala sa amin. Kasi isa sa mga nagiging problema namin, yung
kwento-kwento, dahil may pakwento Kaya yung pagfile namin dito sa CHR, isang pagsasabi
namin na meron pa ring naman mga tao sa gobyerno at merong government agencies na
pwede tayong puntahan at magfile tayo ng ganitong case. At meron pa naman din tayong
mga kaibigan sa loob ng gobyerno, hindi naman ang gobyerno ay isang isip lamang.
Halimbawa, dito sa nirered-tag kami, merong broad na pakikipag-isa sa iba’t ibang
organisasyon ng kababaihan. Hindi lang naman kami ang narered-tag na women’s org, even
ang mga local din narered-tag din. Kaya magkaisa, para labanan red-tagging na ito.
Ms. Maricel Aguilar, UN Women: Update ko lang po kay Ma’am Vicky Corpuz, totoo na
successful yung pagpapabilis. Pero yung mga solidarity groups abroad have been telling us
that the team of the Duterte administration, a well-funded team. Umiikot yan sa Europe, sa
iba’t ibang bansa at may powerpoint sila. Andun pa rin si VP. Kahit patuloy yung
pangangampanya nila, hindi pa rin tinitigilan ang mga na red-tag na ito.
Isa pang dagdag na recommendation sa Gender Ombud, isama ang digital [harassment].
Everything is digital, from services, even threats. Napakaraming harassment na nangyayari,
and we cannot brush it off, yung online harassment. Sa offline, things happen. At sa totoo
lang, it’s very unnerving, para kang nirerape pag binabasa mo yung mga sinasabi sa yo.
I agree with Ma’am Juds, yung ibang kasama namin sa ground, halika, itago muna natin
ikaw. Pero ang sagot nila ‘hindi, kailangan kong lumabas nang lumabas at ipakita na wala
akong kinakatakutan kasi wala akong ginagawang masama at illegal at madidikit mo sa
terorismo’.
Page 54 of 62
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents