nung SONA, nakailan yan, yung pagpupunta sa mga kababaihan sa Boracay, pageencourage ng – iresolve ang water crisis para mabango – lahat ng yan are not harmless because they penetrate the subecauseonscious of our children, and of ourselves. So darating ang panahon, six years wala na si Duterte, or at least yung tatay, papasok na yung anak, mga anak, mahirap na talagang bawiin ang mga sinimula nya, at baka mag-escalate pa siya into what Honduras, Mexico, and other South African countries that are experiencing now, femicide. So matindi talaga na pangunahan ng Gender Ombud ang pagpapalaganap ng karapatan ng kababaihan at pag call out at papanagutin, mula presidente, hanggang senador, hanggang kongresista, hanggang mga artistan na nagsasabing “yung mga bumabatikos kay Presidente ay mamatay kayo”, sana lahat yan magkaroon ng mas sistematikong pagpapanagot ang CHR. k. Iceland Resolution​. A ray of hope is yung UN Human Rights Council Resolution (Iceland Resolution) kung nasaan napasa ito at sinabi na dapat magkaroon ng komprehensibong human rights report sa Pilipinas at i-urge ang gobyerno na hayaang makapasok ang human rights mechanisms to do the report without fear of backlash or persecution, at inuutusan rin ang pamahalaan na gawin ang lahat ng kaya niyang magawa para pahintuin ang extrajudicial killings. Sana pangunahan ng CHR, hindi man makapasok dito ang UN mechanism, pangunahan ng CHR ang paglikom ng mga dokumento, ng mga kwento, ng mga testimonya, at kami sa LILAK at iDEFEND ay tutulong para mangalap din ng mga storyang nakakagimbal pero kailangan ipaalam sa buong mundo. 2. Ms. Maricel Aguilar, UN Women a. Implementation of CEDAW by the Gender Ombud. Pageemphasize lang ng sinasabi ni Vene in the form of a diagram, na yung papel ng CHR as the Gender Ombud, yung CEDAW as the major platform or major convention, emphasizes on three counts: (1) One is nondiscrimination. Marami tayong napagusapan na human rights violations. Pero naguugat itong lahat sa diskriminasyon ng kababaihan, so maganda lang na ipaalala sa ating lahat na maaring may mga nakalabas na mga human rights violations ay naguugat sa discrimination against women. At kaya nangyayari ang mga violations na ito, kaya napakahalaga na gamitin ng CEDAW bilang pagpapaalala na ang mga violations na ito ay nagmula doon. (2) Pangalawa, habang we are fighting against discrimination against women and girls, we are looking at substantive equality kasi hindi lang numero ang binibilang natin. We were discussing a little bit on around the area of indicators, but I think government has the tendency to generate those numbers without the face of those numbers. At sinasabi natin kanina sa diskusyon na at the end of the day ano ba ang nagawa natin sa kalagayan ng kababaihan, substantive equality. (3) Pangatlo na elemento sa CEDAW, state obligation. Sinasabi na accountability, hindi pwede na ilalabas lang natin ito in the form of statements. At the end of the day, there should be an obligation for the state to protect and uphold and fulfil women's human rights. So napakahalaga lang na balikan natin itong napakahalagang tatlong elemento para sa pagiimplement ng CEDAW. Page 47​ of 62

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents