Sa lamay namin, ma-ano ka, dun talaga ako… walang kaibigang pumunta kahit magkakasalo pa kayo sa isang pinggan [noon]…. Ako po umiiyak po ako sa galit. Sa dami ng kaibigan ko, sa dami ng kakilala ko, sa oras po na yon, naglalamay po kami, kami lang. Tapos marinig namin na [sabi] punta sila dun [sa lamay namin], magkabarilan, madamay sila. (Participant 6) Para bang hindi nila inisip na…. Samantalang noon, inestima. Tuwing may namamatayan, nandun kami. Kahit ano pa yun – kriminal – nandun kami para makilamay tapos di naman talaga kriminal anak namin… naglalamay kami, kami lang. (Participant 4) The barangay and the police that are supposed to provide them protection against threats of violence were also absent: Ako po nung namatayan… may mga tao na pumupunta sa amin na hindi namin alam kung yun ay kalaban namin, kung may dala silang baril…. [U]na po sa barangay po kami [kay] Kap. Ag tanod naman ay dalawa lang. Wala kaming maitutulong sa inyo. Pagkasunod na araw pumunta kami sa Station ___ kasi gusto namin hindi naman nandun sila [unidentified men] sa lamay yung nag-roving-roving. Kasi nga pulis sila, yung matakot man lamang. Tapos sabi namin, Sir, baka pwede kaming makahingi ng tulong, alalay lang po kasi may mga taong umiikot, hindi namin alam kung pulis ba sila o kung sino kalaban namin. Baka patayin din kami. Tapos sinabihan kami ng Station __ na, Bakit kayo natatakot kung wala naman kayong tinatago? Wala nga po kaming tinatago kaya nga lumapit kami sa inyo para matulungan nyo kami. Hindi po kami lalapit dito kung may mali kaming ginagawa. Di naman kami inentertain ng pulis. (Participant 6) The women reported that there are still strangers, “riding in tandem”, roaming around their community, especially late at night. The killings were still happening. Several participants thought of moving away from the community in fear for their family’s safety, but they said this was only a daydream because they could not afford to transfer in the first place. One woman said that moving away is not an assurance that they would be safe. [To a co-participant] Yung sinasabi mo, kahit lumipat ng bahay, iba na ang panahon ngayon. Sa sistema po ng lipunan natin, kahit nasa magandang bahay ka, nakatira ka sa isang subdivision… nangyayari sa iyo ang ganyan po [EJK]. Napagkakamalan di ba, wala sa bahay. (Participant 3) The women felt that the situation in their community has changed over the two years. One woman said that her situation changed because she was no longer in a state of despair, and she already talks back to people saying negative things about her and her family. Ngayon hindi na, ako, pinaglalaban ko. Sige, lumagay kayo sa amin. Halimbawa kayo, nalagay sa sitwasyon namin, o kayo mamatayan, para maramdaman nyo. Yun ang [sinasabi] ko sa kanila. (Participant 6) Another factor is the growing awareness of people of EJK. Panaghoy: The Philippine War on Drugs from the Perspective of Women March 2019 51

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents