2
karaniwang kaganapan sa aming lugar, palibhasa’y flood plain ang bahaging ito ng
Pilipinas.
Sa panahon ng Ondoy naranasan ko, at habang nagre-rescue kami ay nasaksihan
ko, ang pagkawasak at pagkawala ng lahat ng mahahalagang bagay sa buhay.
Walang laban ang katawan ng tao at ang anumang istrukturang itinayo n’ya sa
harap nang walang tigil na buhos ng malakas na ulan, rumaragasang baha at dagok
ng kalikasan. Kaya kami nag-survive noon ay dahil sa aming determinasyon at
pagkakaisa.
Sa ngayon, ang napapansin ko, sa bawat disaster, papadami nang papadami ang
kailangang i-rescue. Siguro dahil papadami nang papadami rin ang populasyon.
Pero kahit masarap ang pakiramdam ang nakakatulong sa mga rescue operations,
aaminin kong nakakapagod din. Lalo’t hindi tumitigil o nababawasan ang mga
kalamidad. Lumalala pa nga dahil na rin sa climate change.
Pagkatapos ng Ondoy, ang dami ring naapektuhan ng malalakas na buhos ng ulan
sa panahon ng habagat. Kahit na anong warning, kahit na anong paghahanda, wala
pa ring masasabing handa at ligtas, dahil sa climate change.
Ka Pablo:
Sa isang iglap, dahil kay Ondoy, nawala ang lahat ng pinagpaguran namin para
maitayo ang isang simple at disenteng bahay, naglaho ang ipinundar naming maganak na patahian nasira ng ganun lang, at lumabo ang mga plano naming magasawa para sa kinabukasan ng aming mga anak. Nung Ondoy, hindi ko
makalimutan na pauwi ako tapos natatanaw ko na yun bahay kong nababaha. Ang
sakit isipin na lahat ng pinaghirapan mo, sa isang iglap lang maaring mawala.
Pagkalipas ng Ondoy hindi rin naman lumipas ang mga problema at hamon sa
aming buhay. Walang kaagad na pagkakitaan, mahirap ang pagkain. . . umabot ako
sa punto na nagalit nga ako sa sarili ko dahil ako ang ama pero dahil kay Ondoy
wala akong maipakain sa pamilya ko. May panahon na kahit may pera ka ngang
konti, hindi rin namin basta basta mapakain ang pamilya kasi sarado rin lahat mga
tindahan, lahat rin sila apektado. Ang tanging nasabi ko na lang sa asawa ko noon
ay babangon tayo.
Pagkatapos ng mga bagyo, gumagawa kami ng community kitchen kung saan
nagluluto kami para sa mga tao sa mga evacuation center, o yun mga taong
naiiwan sa bahay. Pinaka masakit yun huling sandok ng pagkain, tapos marami pa
yun nakapila. Grabe rin yun hirap na pinagdadaanan ng bawat pamilyang
naapektuhan ng mga bagyong ito.
Ka Francia:
Nasa isang seminar ako at ilang ka-Barangay sa Dela Salle sa Taft Avenue nang
maganap ang Ondoy. Nakalubog na sa baha ang buong kapaligiran. Para lang
kami makalabas ng campus, pinagpatung-patong ang mga upuan at ginawang
parang tulay na tinawiran namin para makapunta sa tuyong bahagi ng kalsada.