5 Q23: Ano ang trabaho at inaaral mo? A23: Isa po akong “receptionist” at therapist. Nag-aaral po ako ng kursong “Education – MAPEH.” Q24: Kumusta naman ang buhay “working student”? A24: Mahirap po. Nalayo ako sa amin. Nagtatrabaho po ako sa ibang lugar, sa Dinalupihan. Doon po ako tumutuloy sa “staff house.” Ang hirap lang po kasi hindi ko kasama iyong pamilya ko. Nasabi ko po sa inyo kanina na lumaki ako na magkakasama kami, pati mga kamag-anak ko. Ngayon, ako lang mag-isa, nagtatrabaho para makapag-aral at makatulong sa pamilya ko. Ako gumagawa ng lahat kasi wala naman iyong nanay ko. Dati, pag-gising mo sa umaga o pag-uwi ko ng bahay, may makakain na. Ngayon, pati pagkain hirap na. Bukod sa titipirin mo kasi lahat ng gastusin ako na bahala, pag-uwi ko sa trabaho at sa iskwela, pagod na ako. Nagno-noodles na lang ako, minsan hindi na ako nakakakain. Nalilipasan ako ng gutom, napapabayaan ko iyong kalusugan ko kasi nga pinagsasabay ko pagtatrabaho at pag-aaral. Pag may-exam pa, hindi na ako nakakatulog kasi nga nagtatrabaho ako, kulang ang oras. Tapos malayo pa ako sa pamilya ko. Q25: Masasabi mo ba na may epekto ito sa pag-aaral mo? A25: Opo. Imbes na nag-aaral po ako, nagtatrabaho po ako. Iyong oras ko hati na. Hindi rin naman pwede ako tumigil sa pagtatrabaho. Q26: May gusto ka pa bang sabihin? A26: Bilang isang katutubong kabataan at anak ng magsasaka, malaki ang epekto sa amin ng matinding init at pagbabago ng klima. Kaming mga kabataan ang higit na naaapektuhan. Makakatapos ba kami sa pagaaral kung hindi kami “working student”? Pagnagkaanak kami, paano na lang kami? Lahat na lang ba ng mga lamang-tubig at kalikasan sa “picture” na lang makikita? Sa “drawing” na lang ba? Paano na lang ang buhay namin? Kung kami ganito, paano na lang ang mga kabataan na isisibol palang ngayon? Q27: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung kinakailangan? A27: Opo. _________________________ Rica Diamzon Cahilig 16 Marso 2018

Select target paragraph3