Isa po akong broker, di ko po masabi ang detalye ng aking problema pero unfair po ang nangyari sa akin, galit na galit po ako sa nangyari sa akin, respetado po ang pamilya namin, very close po kaming magkakapatid, mga magulang lalo na sa aking mga anak. meron akong maraming organisasyon na pinagsalihan respetado po ako, natakot po ako na baka hindi na ako matanggap ng mga kaibigan ko, pag maisip ko iyon gusto ko na pong mamatay, ang pinanghahawakan ko nalang ang payo ng aking mga anak na nasa labas ng bansa , na hindi daw magbabago ang pagtingin at love nila sa akin. Arawaraw po akong may dalaw pero na mimiss ko po ang pagiging malaya. Hinihintay ko po ang taos pusong pagpapatupad ng GCTA sana hindi ito mawala. Respondent 3 Has 6 kids Case: 9165 /section 5 Length in Detention Cell : 8 years (sentenced to 12-15 yrs, ready to be transferred to DAPECOL) Dalawang beses na po akong nahirang na mayor sa selda namin. Inaamin ko po, druga talaga ang negosyo naming mag asawa, kalalaya lang po ng asawa ko at siya ngayon ang nangangalaga sa 6 naming anak. Palagi po nila akong dinadalaw. Ang kinatatakutan ko ngayon kung mai lipat na ako sa DAPECOL, paano na nila ako amdalaw, baka mahihirapan ako sa pakikipag halobilo ng mga inmates doon. Sana malagpasan ko ang natitirang taon ng aking sentensya. Respondent 4 Has 2 kids Case: 9165 , section 6 Length in Detention 10 years and 2 months Kalbaryo po sa araw araw ang aking buhay dito sa kulungan, wala po akong regular na dalaw, 10 taon na po akong andito, wala pong tumulong sa aking kaso, masakit po ang mga pangyayari, dahil wala namang nakuhang ebedensya ang mga pulis na nang raid sa bahay namin, natutulog po kami kasama ng 2 anak ko maliliit pa po sila ang isa ay 4 at ang isa naman ay 3 taong gulang lang sila nuong nangyari ito. Dikit dikit po ang kabahayan ng eskwater area na tinitirhan namin, alam ko po na sila ang may mga customer, pero kami po ang na raid, di na po ako nadalaw ng partner ko, naghanap na po siya ng iba, pinabayaan na po niya ako at ang responsibilidad niya sa mga anak ko, nanay ko nalang po ang nag aruga ng aking mga anak, at matanda na po siya. Dahil sa wala po akong regular na dalaw, wala rin akong masumbungan ng mga problema ko, minsan wala din akong gamit na kailangan ko dito minsan may mag bigay. Nasasaktan po ako dahil hindi na po ako kinikilala ng mga anak ko, ate po ang tawag nila sa akin ayaw po nila akong tawaging mama, para pong ikinahiya nila na nandito ako. Kapag maisip ko ito gusto ko na pong mamatay. Takot po ako dito na magtanong dahil baka patawan ako ng parusa, gusto ko po sana magka kubol na kami para naman baka bumalik ang aking partner sa akin kung maibigay ko na rin ang kailangan niya bilang mag asawa. Minsan po na mis-interpret po ako lalo na sa usaping ito. Sana po maraming dadalaw na mga tulad na ganito, o maraming out reach program para naman mabigyan kami ng kunting mga bagay na kailangan namin dito sa loob. Respondent 5 Has 1 kid Case: 9165 Length of Stay in Detention Cell : 3 yrs and 4 months Naka experience po ako ng depression at rejection sa labas, at sa sobrang depress ko, napa barkada po ako at nalulong sa drugs. Nahiwalay po ako sa asawa ko kasama ang aking anak. Rejected po ako ng pamilya ko dahil sa katigasan ng ulo ko. Ngayong andito na ako sa loob, parang may puwang na

Select target paragraph3