V Rustom Licuanan Transgender man Pioneer Filipino Transgender man Movement Ako si Rustom, isang transgender man. Simula noong lockdown noong March, hindi na ko makauwing Cavite. Pahirapan ng makukuha ng masasakyan, napakamahal pa ng pamasahe. Kaya ngayon naabutan kami ng asawa ko ng lockdown sa dito sa Mandaluyong kung saan nangungupahan lang kami. Naubos na ang advance deposit namin kaya eto, nangutang kami sa kapatid ko para sa upa namin ngayong June. Ngayon, hindi ako nakakapasok sa trabaho dahil sa health conditions ko. Dahil isa ako sa mga bulnerable ngayon sa pandemyang ito. Kung kaya’t ang asawa ko muna ang nagtataguyod sa aming dalawa. Mahirap kasi bukod sa pang araw-araw naming gastusin, kasama pa sa gastos namin ang mga gamot ko. Gusto ko mang pumasok na sa trabaho, hanggang ngayon hindi pa rin ako nabibigyan ng schedule sa pagpasok ko. Dagdag pa nila kaya hindi pa nila ako nabibigyan ng schedule, ay dahil may mga health protocols silang sinusunod sa ngayon. Hindi rin naman ako makapag Work From Home dahil hindi naman ito applicable sa aming company, production ang nature ng aming trabaho.

Select target paragraph3