III.
Austin
Homosexual cis-gender man
BulSU Bahaghari
Sa patuloy pa ring paglobo ng bilang ng COVID19 cases, talamak pa rin ang patuloy
na pagreredtag sa mga progresibong aktibistang mag-aaral. Ako si Austin, isang homosexual
cis-gender man ay nasa kolehiyo na at kumukuhang Bachelor of Arts in
Broadcasting.Pangarap ko kasing maging isang mamamahayag balang araw. Hindi dahil trip
ko lang bagkus ito ang gusto ko.
Bago pa man naglockdown ang Pilipinas, nakalipad na mula Hong Kong ang aking tito
na OFW. Suportado niya ang aking pamilya pati na rin ang aking pag-aaral. Kung tutuusin,
tinuturing agad ako na bread winner sa amin.
Subalit ng isang araw, kinausap ako ng aking tito tungkol sa aking pagiging aktibista.
Nais nya akong patigilin, hindi sa pag-aaral, kundi sa pagiging aktibista/rallyista. Ano raw ang
makukuha ko sa pagpoprotesta... Matalino raw ako subalit hindi ko raw ako nag-iisip. Na 'brain
wash na raw ako ng aking sinalihang grupong ito, dagdag pa nya. Nagalit daw kasi ng makita
nya ang mga Facebook posts and shares ko tungkol sa Activism.
Habang pinagalitan at pinagsabihan ako ng aking tito, hindi man lang nya pinakinggan
ang aking paliwanag.
Pagkatapos akong kausapin, naiyak ako, dinamdam ko ang mga binatong salita sa'kin.
Hindi nag online sa social media, na depressed at muntik mag suicide.
Simula ng araw na pinagsabihan ako ng aking tito, itinigil ko na ang pagpopost at
pagshe'share sa Facebook na may kinalaman sa Activism, sabi ko isip ko, 'kung kailan Pride
Month doon pa ako hindi makakapag-ingay sa Social Media?' subalit ko naman sa sarili kailan
man ay hindi tutuldukan ang aking pagiging aktibista sapagkat walang mali sa paglaban, may
mali kaya tayo lumalaban.
Bilang isang future media practitioner at bilang isang miyembro ng LGBTQ+, hangga't
may karapatang pantao na inaabuso, hangga't may karapatan tayong pilit na ipinagkakait,
huwag tayong manahimik bagkus atin itong isulat at ihayag ang bulok na sistemang
nangyayari sa bansa. Sulong! Huwag patinag!