LGBTQI+ City of Malolos Ako si 'Macky', isa akong transgender woman, at ang kasalukuyang City Federation President ng sektor ng LGBTQ+ sa Lungsod ng Malolos, ay bumabati po sa ating lahat. Nais ko lamang mag lahad ng maikling kwento patungkol sa aking karanasan pati n rin ng buong panguluhan sa patuloy nating pakikipag laban sa pandemya, na sana ay matapos na sa lalong madaling panahon. Alam naman po natin na tayong lahat ay apektado ng COVID-19. Ang daming miyembro ng LGBTQ+ sa aming lungsod ang nahirapan kung paano kukuha ng pantawid gutom sa arawaraw sapagkat hindi makapag hanap buhay, nariyan ang mga parlorista na sumingil lamang ng 40-50 pesos para sa gupit ay hindi makapag gupit. Ang mga make up artist na nag puhunan ng mga bagong make up para sa nalalapit na graduation at Flores De Mayo ay hindi rin kumita. Ang mga fashion designer at gown rentals na malakas dapat sa buwan ng Mayo ay kinailangan din mag sara,at marami pang iba ang hindi nakapag trabaho tulad din ng mga taong hindi nabibilang sa sektor ng LGBTQ+, ngunit karamihan ng hinanaing na aking narinig bilang Pangulo ay 'Bakit walang budget ang Gobyerno Para sa atin?'. Opo nakatanggap po kami ng mga relief Goods bilang mamamayan ng Lungsod, ngunit ito po ay kulang, sapagkat patuloy pa rin umuusad ang mga bayarin kahit kami ay hindi nakakapag trabaho. nakakalungkot mang sabihin pero kapag eleksyon pinag aagawan ang sektor ng LGBTQ+ ng mga nais umupo, pero pagkatapos ay dedma na. Kaya bilang Pangulo,pinangunahan ko ang maglikom ng Goods sa pamamagitan ng pag hingi ng tulong sa mga nakaupo sa pwesto sa Munisipyo at Kapitolyo, na kung saan nakatanggap pa ako ng mga katagang 'Bakit pa kayo hihingi ng tulong eh nag Mass distribution na kami sa inyong lugar', ngunit naipaglaban naman natin ang ating karapatan na kaya humihingi nang tulong ay dahil nangangailangan at sa awa ng Diyos ang isyu na iyan ay naresolbahan at humingi sila ng tawad sa sa mga nangyari.Humingi rin po ako ng tulong sa LGBTQ+ members na nakaka angat at nakakatuwa naman na yung ibang mga hindi myembro ng aming sektor ay nagpaabot din ng kanilang tulong. Kaya ako at ang aking mga officers bagamat my konting takot na mag ikot sa buong lungsod dahil sa Virus ay naglakas ng loob na makapag distribute ng relief Goods sa mga Myembro ng LGBTQ+ na mas nangangailangan. At sa Pagmamahal ng Panginoon nagkaroon pa ng 2nd wave ang pag didistribute sa tulong ng LGBTQ+ Bulacan Federation.

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents