I
Ghem Laquindanum
Transgender man
Pioneer Filipino Transgender men Movement
Ako po si Gem Laquindanum, isang transgender man, dahil sa COVID-19 Pandemic,
itinigil ko ang pagtatake ng testosterone.
Bilang simula ng lockdown, bahay at palengke lang po talaga ako. Wala akong trabaho
at nakaasa lamang ako sa aming tatay na breadwinner ng pamilya. Sa ayuda lang ng
barangay kami nakakakuha ng bigas para makain. Dahil sa kakapusan ng pera, hininto ko na
ang pagtatake ng testosterone.
Dahil dito nararamdaman kong nag fefeminize na ang katawan ko dahil hindi na
nasusundan ng tamang dosage at turok ng T. Lagi akong may pangamba na babalik na ang
sumpa (menstration). Minsan kapag namamalengke ako at nakabike, minsan pumapasok sa
isip ko na baka may tagos ako at hindi ko pa alam. Sobrang nakakatakot at nakakahiya.
Dagdag pa nito na hindi ako suportado ng aking pamilya sa aking HRT simula pa
lamang na una akong nagturok nito. Nakakalungkot dahil sa araw-araw mas nararamdaman
kong unti-unting hindi ko na nakikita kung sino ako. Nakakadagdag ng body dysphoria lalo ito
sa akin, hindi ko na nagugustuhan ang repleksyon ko sa salamin.
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents