VII
“Tricia”
Lesbian
Ako si Tricia, isang lesbiyana. Lumaki ako sa isang environment, sa bahay man o sa
paaralan, kung saan bilang babae, pinakita at pinaramdam saking dapat ako mahumaling sa
mga lalaki. Kapag kausap ko ang mga kaibigan ko, laging nasa usapan ang "dream house,"
"dream wedding," at "dream husband" at somehow parati akong may sagot kahit na wala
naman akong pinangarap alin man doon. Kahit ganun, may alam din naman ako tungkol sa
mga bakla at lesbiyana, ngunit hindi pa buo ang konseptong ito sa isip ko. Kaya naman sa
early elementary days ko ay nagkagusto ako sa mga lalaki kong kaklase out of pressure ng
mga kaibigan ko. Hanggang ang una kong babaeng nagustuhan ay noong tumungtong ako
ng grade 7.
Lahat ng naging kaibigan ko ay mga babae. Hindi na rin siguro nakakabigla na ang
unang babaeng nagpatibok ng puso ko ay sarili kong best friend. Sa pagkagusto ko sa kaniya
ay doon ko lamang naintindihan ang mga konseptong gaya ng gender identity at sexual
orientation. Doon ko naintindihan na hindi masamang magkagusto ako sa kapwa ko babae.
Doon ko rin naunawaang hindi ako matatanggap ng magulang ko kailanman.
Incoming first year college na ko sa pasukan, at hanggang ngayon ay walang alam
ang magulang ko tungkol sakin. Hindi nila alam na nakahalikan ko ang best friend ko sa
cubicle ng building namin sa school, sa labas ng classroom namin, sa loob ng classroom
namin habang patay ang ilaw, at pati na sa bahay ng isang kaibigan. Hindi nila alam na ang
anak nila ay marami nang nakilalang babae sa internet sa loob ng maraming taon dahil akala
nila ay marami akong manliligaw na hindi ko lang pinapansin. Hindi nila alam na halos mabaliw
ako sa isang babaeng tinuring kong ate na inabot ako ng isang buong taon bago pa ako makamove on sa kaniya kahit hindi naman niya binalik ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi
nila alam na ang anak nila ay may girlfriend na ngayon.
Minsan ay natatakot ako. Nakakatakot na biglang malaman nila yung relasyon namin
ng girlfriend ko at bigla na lang akong palayasin o paghigpitan sa kalagitnaan ng pandemya.
Nakakatakot isiping hindi ako matanggap ng sarili kong pamilyang nagpalaki sakin at nagaruga sakin sa loob ng maraming taon. Nakakatakot dahil hindi ko alam ang magiging
reaksiyon nila bilang mga manipulative at guilt-tripping na mga magulang kapag umamin
akong may girlfriend ako. Nakakatakot minsan dahil naiisip ko kung anong mangyayari sa
mata nilang ngayo'y puno ng pagmamahal at pag-aaruga para sa akin, kapag ako ay nabuking
na.
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents