3
Q10: Mayroon pa ba kayong nakikitang pagbabago sa buhay ng isang
magsasaka noon at sa ngayon?
A10: Magastos ang produksyon. Dati may 10,000 hanggang 15,000 kang pera,
pwede na. Ngayon, doble o triple. Mga 30,000 sa isang hektarya dahil
kailangan mo ng patubig dahil sa tindi ng init, tuyot na ang lupa. Pag-ani
mo, bitak-bitak na ang lupa na hindi mo na mataniman. Liban dito, pati
sistema ng pagsasaka nabago.
Q11: Sa anong paraan nabago ang sistema ng pagsasaka?
A11: Sa tindi ng init, grabe ang hapdi sa balat ng araw. Bumaba talaga iyong
“productivity.” Dati pwede ka lumagi sa sakahan ng mas matagal, kahit alaskwatro (4:00) ng hapon. Ngayon, hindi na kaya sa sobrang init.
Q12: Gaano po kalaki ang inyong samahan?
A12: Humigit-kumulang 10,000 kami nationwide. Malaki ang konsentrasyon
namin sa Luzon.
Q13: Bilang National Spokesperson ng inyong samahan, ano iyong mga
hinaing na naririnig mo sa inyong mga miyembro?
A13: Sa Southern Tagalog, sa Quezon at Aurora, extreme weather ang problema
roon. Sa Central Luzon at Cotabato, matinding init at tagtuyot. Sa Samar at
Leyte matitinding bagyo na nanalanta sa mga tanim. Sa Nueva Ecija naman
iyong epekto ng Pantabangan dam.
Q14: Mayroon pa po ba kayong nais sabihin bukod sa inyong mga nasabi na?
A14: Karapatan ng tao ang makakain, magkaroon ng tirahan, magkaroon ng
kabuhayan. Ngayon dahil sa climate change, lumala na ang kundisyon.
Mahirap makamtan ang mga ito. Nahihirapan ang mga tao sa pagkain,
kabuhayan, pati sa tirahan.
Q15: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung
kinakailangan?
A15: Opo.
_________________________
Felix “Ka Jhun” Pascua, Jr.