3
Q11: Anong mga buwan kayo nangingisda?
A11: Kapag buwan ng Marso hanggang Oktubre, yan ang panahon na
malakas ang pangingisda. Mula Nobyembre hanggang Pebrero naman,
malakas ang hanging amihan dito sa amin kaya hindi kami
nakakapangingisda.
Q12: Sa panahon ng amihan, ano ang ginagawa ninyo?
A12: Binubuhos po namin ang aming panahon sa pagtatanim. Iba kasi ang
hangin kapag sa sakahan.
Q13: May pagkakaiba ba sa sistema ng inyong pangingisda noon at
ngayon?
A13: Noon, 4:00 ng umaga, lumalaot na kami para makarating kami sa laot
ng 6:00 ng umaga. Ngayon, sa tindi ng init ng araw, nababawasan din
ang oras ng pangingisda. Mga 11:00 ng umaga, sobra na ang init.
Q14: Ano ang kaibahan ng inyong kita noon at ngayon?
A14: Sa pangingisda, mga 75% ang pagkakaiba o nabawas sa aming kinikita.
Q15: Sabay niyo po bang ginagawa ang pangingisda at pagsasaka?
A15: Dati, pwede mong pagsabayin. Sa umaga, pwedeng magsaka, sa gabi
pwedeng mangisda.
Q16: Sa ngayon, nagagawa niyo bang pagsabayin?
A16: Ay hindi na. Hindi na kaya. Kailangan talagang tutukan ang isa. Kasi
kung hindi tututukan, masisira ang isang kabuhayan. Noon kasi
nasasabay ang dalawa kasi hindi masakit ang tirik ng araw at kaunti
lang ang mga insekto. Bukod dito, mga Nobyembre hanggang Pebrero
ay panahon ng amihan kaya hindi makapangisda kasi malakas ang
hangin. Nagsasaka kami sa panahon ng amihan.
Q17: Ano ang personal na epekto sa inyo ng matinding init at pagbabago
ng klima, kung mayroon man?
A17: Siyempre sa kalusugan natin. Dapat hindi na mababad sa matinding
sikat araw. Malaki rin ang naging problema sa inuming tubig dahil
humihina ang agos ng bukal na pinagkukunan namin ng tubig.
Naapektuhan din ang edukasyon ng mga anak namin. Kapag lumiit ang
kita, lahat talaga maaapektuhan. Pero, edukasyon ang prayoridad
namin. Masipag akong maghanap ng scholarship at sponsor.
Pumapasok din ako sa ibang negosyo katulad ng coco coir. Yung mga
hibla na galing sa bunot ng niyog ay ginagamit sa geo net at tali, tapos
yung natitira naman ay ginagawang pataba. Hindi sapat ang kita kaya
naghanap ako ng ibang pagkakakitaan. Gusto rin namin makatulong sa
kalikasan. Iyong bunot na pinapaanod lang sa dagat, nagiging basura
sa dagat, kaya nagkaroon ng inisyatiba ang aming samahang
SAMMABSI at Municipal Coconut Industry Development Council
(MCIDC).