5
Q20: Kumusta ang buhay ninyong magkakapatid ngayon pagkalipas ng
pitong (7) taon?
A20: Hindi ko masasabing maginhawa na ang buhay namin. Hanggang
ngayon hindi namin makalimutan ang mga pinagdaanan namin. Hindi
ko masyadong maibigay ang mga pangangailangan ng mga kapatid ko
kasi may mga bayaran sa eskwelahan na minsan hindi ko nababayaran.
Q21: Masasabi mo bang naka-fully recover na kayo?
A21: Hindi ko masasabing fully-recovered na kami kasi kapag pinag-uusapan
ang mga pangyayari, nalulungkot at umiiyak pa rin kami. Kahit pitong
(7) taon ang nakalilipas, hindi namin magawang makalimutan ang
aming napagdaanan. Kapag may malakas na ulan ay may takot pa rin
kami.
Q22: Handa ka bang panumpaan ang Salaysay mong ito kung
kinakailangan?
A22: Opo.
Honeylyn A. Gonzales
Ika-29 ng Nobyembre 2018