WELCOME SPEECH
Mr. John Mart M. Salunday
NATRIPAL President
agandang Hapon po sa lahat at sa ating mga katuwang upang maisakatuparan ang
ating ika-47th Annual Meeting ng Nagkakaisang Tribo ng Palawan (NATRIPAL).
Salamat po sa CHR, Tebtebba, Zoological Society of London, at sa lahat ng ating mga
kababayan at mga Katutubo na mula pa sa South, North at Central Palawan.
Ako po ay natutuwa dahil ngayon ay Disyembre na naman, Pasko at sumapit na
naman ang ating Pangkalahatang Pagpupulong. Kami po ngayon ay mag-uulat ng
aming mga nagawa sa loob ng isang taon, gayun din po ang ating mga nasa lokal na
pamayanan.
Ako rin po ay natutuwa dahil kasama po natin ngayon [ang mga kasangga natin]
ang mga nagtataguyod hindi lamang para sa karapatan ng mga Katutubo kundi ang
Karapatan ng buong Tao sa pangunguna ni Doc Basas, Atty. Jess, Roy at ng buong
taga-CHR na nandito. Salamat sa inyo sa walang sawang pag-tulong sa aming mga
karapatan.
Sa mga Elders na iilan na lamang ngayon na kasama pa ng aking Ama [si Father
Arman] sa pag-buo ng ating organisasyon. Salamat po sa inyo na kayo ay matatag at
hanggang ngayon ay sumusuporta sa ating samahan.
Sa mga kababaihan na ilaw ng tahanan, salamat sa pag-bibigay ng inyong panahon.
Isinama na rin po natin ang mga kabataan upang mai-mulat na sakanila ang ating
mga “simulain” o ang ating mga ipinaglalaban base sa ating mga kultura at mga
karapatan bilang isang tribo.
Salamat po sa inyong lahat at isang maka-kalikasang pag-bati sa inyong lahat.
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[6]