 The implementation of the IPMR is based on the law and the question now is if Cuyunin is IP? If Yes, they also have the right for the position. IPMR Colili: Kung makuha ng Cuyunin ang IPMR position sa Provincial wala ng ibang p‟wedeng maging Sectoral Representative dahil ang mga Regional Representatives ay Cunyunin na rin lahat. Ang NCIP ay nag-revised ng guidelines para sa selection process ng IPMR. Natalo kami sa argument na ang dapat bigyan ng posisyon ay ang mga IPs na mayroong ancestral domain lamang. Ang kailangan lamang ay alamin at patunayan ng NCIP kung ang mga Cuyunin ay isang tribo o hinde sa pamamagitan ng PIPES Program. Kasamaang palad ang PIPES ay hindi nabigyan ng pondo dahil sa mga Senador na humarang dito. Sa kasalukuyan ang Cuyunin ay isang IP ayon sa naka-sulat sa batas. Mr. Cabonegro: Ano ang sinusundan sa ngayon, ito ba ay geographical setting hindi ethnographic? IPMR Colili: Opo. Hindi pa nailabas ng NCIP ang bagong guidelines baka mahabol pa natin na ang dapat pag-basehan sa pag-pili ng IPMR ay ang mayroon lamang mga ancestral domain. Mr. Cabonegro: Pag-isipan n‟yo rin mabuti dahil mayroong mga IPs na nasa ibang bahagi ng Pilipinas na tinatawag na nomadic IPs at kasama ang mga Bajao na walang itinuturing na ancestral domain. Dir. Basas: Lahat po ba ay naunawaan ang konsepto ng obserbatoryo? Amay Ompong: Mayroon bang mga tao na galing sa pederasyon ang magiging tao doon sa observatory o kami bang lahat ay nasa observatory? Mr. Cabonegro: Hindi po tayo nagtatayo ng isang mekanismo na may bagong opisyal. Hindi po ito bagong organisasyon, ito po isang bagong pamamaraan. Ito po ay mayroong proseso ng mediation and arbitration may direktang pagbibigay ng report, at mayroong partnership ng NGOs, NGAs at CHR. Kung ang ibig sabihin n‟yo pong sabihin sa tao ay pagta-trabahuan natin ito ng sabaysabay? Ang sagot po ay OO. Ang grupo ba ay mula sa inyo? Ang sagot po ay OO pero hindi magiging empleyado ng CHR at ito ay regular na dadalo sa dyalogo. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [70]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents