nga po ang sinasabi ko sa may mga lupaing ninuno, bakuran ninyo. Kung malaking
masyado lagyan n‟yo ng mga markers. Dalawa lamang gagawin mo: 1) magsampa ka
ng demanda sa NCIP at mahabang proseso yun o; 2) magkasundo kayo sa sinasabi
ng taga-barangay na sukatin ay hatiin na lamang. Kung ang lugar ay walang bakod
p‟wede kayong lumagay doon at ipaglaban mo ang tawag doon ay “doctrine of self
help” o ibig sabihin “tulungan mo ang sarili mo.” Kung ang lugar ay may bakod hindi
ka p‟wedeng pumasok, ang kinatatigan ng batas ay „yun naka-pwesto.
Q, Elma Dadones: Nabigyan kami ng project ng UNDP pero kailangan pa rin
namin mag-bayad ng zoning fee, P10,000 po ito bago kami mabigyan ng Mayor‟s
permit. Hindi kami inoobliga na mag-bayad agad pero kailangan pa rin namin magbayad. Isa pa po ang gusto namin ay mag-linis ng aming CADT pero pinagbabawalan kami ng ranger.
A, Atty. Chan: Ang interpretasyon talaga ng government d‟yan kapag commercial
use na ang mga products ninyo kailangan na kayong mag-bayad. Kapag may
business na kayo ang regulasyon ng LGU ay talagang ganyan. Humingi na lamang
kayo ng exemption. Gumawa kayo ng tribal letter na dahil sa kahirapan at kayo ay
nagu-umpisa pa lamang. Ang alam ko kapag ang mga Katutubo ay nag-business na
ay hindi na exempted sa mga regulasyon. Depende sa inyong sona, sabihin ninyo na
ayon sa inyong ADSDPP ang sona ninyo ay multiple use.
Q, Joel Limsa: Ang tanong ko ay kay Atty. Jofi. Pwede po bang mag-labas ang
Commission En Banc ng isang resolution para sa LGU na maka-sama sa CLUP ang
mga coorndinates ng ancestral domain?
A, Atty. Agusti: Hindi na kailangan ng resolusyon dahil naka-aloob na sa inyong
IPRA na kung ano ang gusto n‟yong gawin sa AD ninyo. Dapat lamang ay nakainterface na rin sa plano ng mga LGUs ang mga coordinates nag inyong mga lupaing
ninuno. Papano nila malalaman na sagradong lugar „yun kung hindi nila alam ang
coordinates? Kayong mga IPMR kung kayo ay naka-upo na iyan ang dapat na
tutukan at bigyan n‟yo ng unang pansin. Tingnan ninyo ang plano ninyo sa AD at
plano ng pamahalaan para magkaroon ng harmonisasyon.
Q, Joel Limsa: Ang hirap lamang po kapag nag-iisa lamang kami sa Sangguniang
Bayan at dito na siguro pumapasok ang usapin ng human rights hanggat hindi
maayos ang AD ay maraming problema. Ang gusto lamang po namin sana ay
mayroong Commission En Banc Resolution na magbibigay ng direktiba sa mga LGUs
na isama na ang AD sa kanilang CLUP.
A, Atty. Agusti: Ipapa-abot ko na lamang po aming opisina at kay Commissioner
Roy ang mga ito.
Q, Joel Limsa: Salamat po. Ang isang tanong ko pa ay kay Mr. Lilang, alam natin
na may mga kawani sa PENRO na hindi kumikilala sa native title. Magbigay po sana
kayo ng isang payo para naman kilalanin ang aming native title na napaka-hirap para
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[43]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents