Ms. Chai: Kausapin ko po kayo mamaya. Participant: Ang sabi n‟yo po nag-survey na po kayo pero sa North ay wala pa. Ano ang assurance namin na ang mga Katutubo ay maprotektahan rin sa mga survey na gagawin n‟yo? Dahil nandoon ang mga pangalan at edad namin. Ms. Darleen: Ang usapin po ng Pangolin dito sa Palawan ay mainit sa ngayon kaya po para ma-protektahan po kayo. Hindi po kami magtatanong ng pangalan. Nagsisimula lamang po kami sa edad at kasarian. Ms. Chai: Wala pa po kaming ginawang survey. Practice pa lamang po ang ginawa namin. Hindi rin po kami magkakaroon ng picture during the interview. May confidentiality po tayo, kahit po kami ay hindi namin malalaman kung sino. Participant, Brgy. Maasin: Hindi rin po nabanggit ang aming barangay. Ano po ba ang kahalagahan ng Balintong at bakit kailangan maprotektahan? Ms. Chai: Ito po ay parang isang endorser ng sabon para mabenta ang isang conservation. Ang kinakain po n‟ya ay mga anay at langgam. Parte po s‟ya ng isang ecosystem. Galing rin po na ibang mga researchers sila ay nawawala na sa ngayon at tumataas ang tinawag natin na illegal trade. Hindi lamang po dapat ang Pangolin ang dapat nating protektahan kundi ang iba pang mga may buhay. Participant, Brgy. Maasin: Tinanong ko po ito dahil noon ay marami sa amin ngayon ay wala na dahil kinukuha ng mga tao. Ano ba dapat ang gagawin kapag may nakitang nanghuhuli? Ms. Chai: Sa ngayon po may tinatawag tayong Wildlife Law at sila ay hinuhuli ng mga Pulis at mga taga-DENR. Pero sa tingin ko po sa ngayon ang problema natin ay ang illegal trading at isa it osa malaking problema aside from the extinction. Participant, Roxas: Kinagisnan ko po sa aming kultura na ang hayop na „yan ay kinakain namin. Papano kami papo-protektahan kung kinakain namin ang hayop na „yan? Ms. Chai: Sa ngayon hindi ko po alam ang sagot. Kaya lamang po kami nandito ngayon ay para malaman kung nasaan ang mga Pangolin, saan sila makikita at ano ang mga dahilan at bakit nawawala sila. Next year po ay magtatawag po siguro kami ng mga Stakeholders para mag-tulung tulong mag-desisyon kung saan dapat magestablish ng local conservation area. Ito lamang po ang paraan para ma-protektahan natin sila. Ms. Darleen: Ang pagkain n‟yo po bilang isang kinagisnang kultura ay inirerespeto po namin. Ang malaking pagtutuunan namin ng pansin ay ang malakihang trading. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [13]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents