MESSAGE Hon. Luis M. Marcaida III City Vice Mayor araming Salamat sa pag-imbita sa amin. Sa ating mga Tribal Chieftain at sa mga Katutubo sa iba‟t ibang sulok ng Palawan. Sa ating mga bisita, sa mga taga-CHR, kay Dr. Basas at Atty. Jess magandang umaga po. Advance Merry Christmas at Happy New Year. Maganda po ang ganitong pagpupulong na may temang Edukasyon sa maunlad na pamumuno. Maganda po ito para sa ating mga namumuno na mayroon tayong sapat na kaalaman at edukasyon lalo na sa IPRA na s‟yang gumagabay sa ating mga Katutubo. Kayo po ay nandito para pag-usapan kung anu-ano ang mga nangyayari sa inyong mga tribal communities at alam natin na iba‟t iba ang nangyayari dito. Maraming problema ang nakakarating sa amin dahil sa encroachment sa inyong ancestral domain. May mga ginagawa naman na po para magkaroon ng delineation para sa inyong mga ancestral domain. Maganda po na ipakita ninyo na kayo ay may pag-aaral at edukasyon para sa ikauunlad ng inyong tribal communities. Kami pos a Sangguniang Bayan ay handing sumuporta sa mga panukalang batas at hakbangin sa mga concerns ninyo. Naaprubahan na po ang mga budget ng Panlungsod kahapon at kasama rito ang mga para sa inyong mga Katutubo. Pag-usapan na lamang po ninyo kay Gg. Saavedra para alam ninyo kung saan n‟yo ito dapat gastusin. May mga espesyal na programa rin para sa mga Katutubo. Wala naman po akong espesyal na sasabihin, gusto ko lamang po kayong makita dahil hindi ko po kayo nakita sa matagal na panahon. Manalangin po tayo na manatili ang kapayapaan at pag-ibig dito sa ating lungsod sa mga darating na panahon Salamat po. Mabuhay ang ating mga Katutubo. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [72]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents