ipinatatawag ako sa NATRIPAL. Ang sabi ko Presidente ako ng grupo namin at miyembro ako ng NATRIPAL. Pinilit akong gawing asset. Pinatulog ako ng ilang gabi sa kampo nila. Hindi ako nag-sumbong. Comment, Rev. Fr. Limsa: Ng magsimula akong mag-organize ng grupo inilagay nila ako sa point of battle – order “shoot to kill” pero ipinatawag ako ng mga Pulis sa Aborlan dahil kilala nila ako. Nagpunta ako sa WestCom at nilinis ko ang pangalan ko. Ang mahirap sa tumutulong sa mga mahihirap at mga naapi, ay ginagawa nilang komunista. Comment, John Mart: Iba na ang gobyerno natin ngayon, mahigit na sa 300 na pangalan ang tumutulong sa mga Katutubo ang sinasabing maka-kaliwa. Kahit na ang ating UN Rapporteur Vicky Tauli-Corpuz na head ng Tebtebba ay isinasangkot sa pagiging maka-kaliwa. Nandito ang CHR para makita nila na isa ito sa mga paglabag sa ating mga karapatang pantao. Kung mayroon man na ibang tribo alam natin sa ating kunsensya na hindi tayo kasama sa mga „yun. Q, Ms. Dionisia: Anong mekanismo ang maganda para makarating sa itaas ang mga usapin ng mga komunidad? Dapat ang gobyerno ang tumutulong sa atin hindi ang mang-gipit sa atin. Noon aktibo pa ang IPCB (IP Consultative Body) papano ba ito muling bubuhayin at maka-upong muli ang lima (5) kinatawan? A, IPMR Colili: Urong-sulong ang mga plano ni PDu30 na dapat sana ay nabigyang daan na ang kapayapaan sa atin dahil tayo ay mayroong representative sa IP Peace Panel Committee (IP-PPC). Marami ang hindi pumayag na Katutubo dahil ang gusot ng Gobyerno at ng CPP-NPA kaya nagkaroon ng IP-PCC na separate. Ang kaguluhan ay nangyayari sa loob ng mga ancestral domain at mas kailangan pagtuunan ito ng gobyerno. Ang agenda ng buong IP sa Pilipinas ay nabuo na subalit ito ay nakabinbin ngayon. Five (5) IPCB: Dr. Lieto, IPMR Lumis, IPMR Colili, IPMR Aguilar, Rico Valdez together with Comm Dabuit of NCIP Q, Mr. Dante: Tanong sa IPMR ng San Vicente kung bakit hanggang ngayon ay wala pang balita para sa construction ng Multi-purpose Hall. A, IPMR Rodriguez: Naka-address kay Gov. ang P50K budget for renovation thru IPMR. Ang na-approve lang ay P25K pero kinausap ang Accounting na gawing P50K at na-approve naman ito. Kailangan ma-inspect ng Engineering Office ang tribal site. Apat (4) na barangay ang nagkaroon ng P50K worth of construction materials para sa renovation at kinuha ito sa Supplemental Budget. Construction materials are now ready for deiliveries. Q, Participant: Alam ba ni SB ang… (can‟t understand) NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [47]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents