indibidwal na karapatan. Mag-usap usap kayo at tingnan ninyo kung ano ang gusto
ninyong isulong. Ang mga nagpatitulo na sa DENR ay dapat nakapag-file na rin kayo
ng adverse claim.
Wille Tiugon: Para nga sana mas maayos pangunahan na ng NCIP na tumulong sa
pagkansela ng mga na-isyuhang titulo. Ang Problema namin kapag nag-pwesto kami
doon baka dumanak ng dugo.
A, Atty. Chan: Hindi totoo ang pag-danak ng dugo. Sa tagal ng PNNI walo (8) pa
lamang ang namatay at ito ay tunay na mababait na tao pero walang dumanak na
dugo. Papatayin mo ang naitanim namin na kaunting lakas ng loob sa mga Katutubo
para ipag-laban ang karapatan ninyo. At tuwing may gagawin kayo ay sasabihin
ninyo na may dadanak na dugo. Hindi totoo ito. Maraming pagkakataon na kapag
ipinaglalaban natin ang ating karapatan ay ay kailangang makipag-kompronta at
makipag-away. Kapag nanghuhuli kami ng chainsaw at kahoy ni Gov hindi naman
dumanak ang dugo naka-tawa ang mga tao namin at tao ni Gov.
Q, Sapdul Guinto Jr.: Tanong ko sa PENRO kung kami ay kukuha ng ani at
pupunta sa inyong tanggapan na walang pang ADSDPP. Kami ba ay malayang
makaka-kuha ng mga produktong ikinabubuhay namin na hindi matatakan ng
tiwalag?
A, Mr. Lilang: Ang ADSDPP ninyo ay kailangan ninyo sa lupaing ninuno ninyo
upang ang hindi naka-sulat ay maisulat. Ang native title ninyo ay ma-formalize sa
issuance ng CADT. Kahit wala pa ang CADT at ADSDPP ang sabi ng ani Atty. Chan
ay dapat ipaglaban na ninyo ito at gumagana na ito. Kailangan n‟yo ang titulo dahil
kung may dumating kayong kalaban sa taga-labas at sa kailangan sa korte ay may
maipapakita kayong opisyal na dokumento.
Additional, Participant: Nakasama ako sa pag-gawa ng ADSDPP sa Rizal.
Sinamahan nila ng resolution na bawal ang pumasok sa nasasalupang ng CADT na
makakasira ng mga lupaing ninuno.
Isang malakas na pagpapatibay para
maproteksyunan ang inyong lugar.
A, Atty. Chan: Ang ADSDPP ay wala kayong forest charge kung ito ay gagamitin
ninyo para sa inyo lamang. Pero kung commercial na ito ibang usapan na. Ihiwalay
lamang ninyo.
Q, Monico Bilig, Malinaw Narra: Tanong sa PENRO tungkol sa aming lupa sa
Malinaw Narra, 60 hectares ito at marami kami. Tatlong bese na itong na-survey
pero hindi na aprubahan dahil sakop dawn g timberland. Bakit hindi ma-approve
samantala ang isang taong Cuyunin, na si Anastacio Magbanua ay may titulo? Ang
kay Delerio at Nelson Rodriguez ay sakop rin ng timberland pero may titulo. Kaming
mga Katutubo ay ayaw bigyan ng titulo? Anong magandang paraan para kami
mabigyan?
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[39]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents