Nabanggit na rin ni Atty. Chan ang protected areas. Ang Protected Areas na ito ay
nasa Acenstral Domain at nasasaklaw ng kahit na anong land classification.
P‟wedeng ang Acenstral Domain at Protected Areas ay sumaklaw ng A&D Areas.
Igagalang rin ng FLUP ang plano ng Protected Area.
Alam po ng mga taga-gobyerno, Municipal hanggang sa Barangay na dapat magbigay
ng daan para sa mga programa ng NCIP para sa Katutubo. Gusto ng DENR na
matapos na ang mga usapin tungkol sa Management Supervision, ito man ay
timberland o hinde.
Sa PCSD ay mayroon tayong Tribal Ancestral Committee para malinis ang
pagpapadaloy ng program ng gobyerno para walang sagabal at maging madali. Alam
natin na ang Katutubo ay dependent sa natural forest products.
Magiging mas madali at mapapakinabangan ang pag-gamit ng forest land kung
matapos ang identification ng ancestral domain; dahil ito ang pinakamataas na
dokumento tungkol sa mga lupain na sumasaklaw sa timberland. Ang ibinibigay
lamang po ng DENR ay mga kontrata lamang na hanggang tatlong (3) taon pero ang
CADT ay walang katapusan. Mahala na ma-identify na ito para malaman na ang mga
jurisdiction ng bawat ahensya at magiging malaya ang pag-galaw ng management
plan ng ating mga Katutubo. Salamat po.
Message of Rev. Fr. Armando R. Limsa
agandang umaga po sa inyong lahat. Nandito ang human rights at mahalaga ito
na i-ugnay sa tema ng inyong pag-pupulong, “Edukasyon
susi sa Maunlad na Pamnumuno.” Ang edukasyon ay
hindi lamang sa loob ng paaralan na may pormal at
impormal. Kung anuman ang mapag-uusapan dito ay
dagdag kaalaman.
Kritikal ngayon ang ating kalagayan, sa anong dahilan?
1) Ang pagbabago ng ating Saligang Batas lalo na sa mga grupo na nasa laylayan ng
lipunan at kayo „yun.
2) Ang paghahati-hati ng Palawan na isinanguni nila mula sa itaas; baliktad ito na
dapat ay magmula sa ibaba. Kapag nahati-hati na ang Palawan tayo ay hindi na
magkakaisa. Kung hindi tayo maingat, tayo ay babagsak. Ang Palawan Del
Norte, Palawan Del Sur at Palawan Central ay magkakaroon na ng banggaan at
hndi na tayo uunlad. Ang mga bundok ay maghahati-hati na rin. Masyado itong
masalimuot.
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[30]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents