gusto ninyong gawin sa P500T? Mayroon po kaming special session ngayong araw at bago sana ako umalis ay malaman ko. Ang pangarap po natin ay para sa ating lupaing ninuno. Naniniwala po tayo na ang lupa ay buhay. Kapag nawala ang lupa ng mga Katutubo wala na rin ang kanilang buhay. Suportado po ni Mayor Lucilo Bayron ang ganitong pamamaraan dahil pumipirma po s‟ya sa ating budget. Naniniwala po s‟ya na ang ancestral domain ay para sa Katutubo at hindi p‟wedeng magamit ng iba. Hindi lamang po ang magkaroon ng ancestral Domain ang gusto natin, inuuna lamang po natin ito; pero ang gusto natin ay ang magkaroon tayo ng ADSDPP sa bawat komunidad. Sa kasalukuyan parang hindi iginagalang ang mga lupaing ninuno. Ang Km. 35 o Km 37 sa Napsan ay wala raw CADT, sumulat si John Mart sa mga ahensya ng pamahalaan pero walang nagyari. Sumulat muli sa Sangguniang Panglunsod, napaagenda namin at buti naman ay napunta sa aking Committee. Subalit walang sumisipot kundi ang mga grupo lamang ni John Mart. Pero ang ginawa ko po ay pina-question an hour para mapabilis ang pag-uusap. Ang sabi ng PENRO ito daw ay valid dahil sa sulat ng PCRRMO (?) tungkol sa sloping area para sa justification ng quarrying. Hindi sila muling sumipot sa paguusap at matapos ang ika-apat na Q&A saka pa lamang napa-hinto ang operasyon nila. Ako mismo ang nag-punta sa site at nag-inspection. Bilang isang parte ng Konseho ako po ay suportado ng PENRO at CENRO at napahinto natin ang quarrying. Naniniwala po ako na kung mayroong magdedesisyon sa inyong komunidad kayo ang unang tatanungin dahil iyon ay pasok sa inyong ancestral domain. Bukod sa ADSDPP, ang isa pang pangarap natin ay ang magkaroon ng “One Community, One Industry.” Ang Puerto Princesa ay isang tourist destination at panahon na para ang inyong galing, proyekto at produkto ay ibenta. Tutulungan kayo ng TESDA para sa quality ng inyong non-timber products. Kulang po talaga ang budget, ako po ay kumukuha lamang ng budget sa P1.5M para itulak ang gusto kong mangyari sa ating mga kapatid na Katutubo. Mayroon po akong pending Livelihood Ordinance sana maipatayo ito bago matapos ang aming termino. Kung ito ay isang ganap na Ordinansa na, kayo ay p‟wede ng mangutang ng walang tubo sa City Government. Ang allocation budget po dito base sa aking panukala ay 5% of the City Government budget. Kung tayo ay mayroong P2.2B ang 5% nito ay malaking bagay para sa ating pangka-buhayan. Kung hindi man ibigay ang 5% at ang matuloy ay 2% malaki pa ring bagay ito para sa atin. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [22]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents