E-Library - Information At Your Fingertips: Printer Friendly 7 of 14 http://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocsfriendly/1/62543 14. Maya maya ay tumawag sa telepono ang asawa ni Jacqueline Cruz at nag away silang mag asawa sa [telepono]. 15. Tanggal ang kalasingan ni Jacqueline Cruz sa sigawan nila sa telepono at dalidali na siyang umuwi kasama ako. 16. Na pagdating [namin] sa bahay derecho si Jacqueline Cruz sa banyo at naligo. Hindi niya isinara ang pinto sa kuwarto niya. [17.] Hindi niya rin iniutos na isara ko ang gate at main door. Iniisip ko na lamang na dahil narinig ko na pinasusunod niya si Avelino Angeles sa bahay. [18.] Na mayamaya ay lumabas ng banyo si Jacqueline Cruz at walang kahit anong saplot sa katawan ay humiga sa kama, bukas ang pinto at nilagyan lang ng tuwalya ang ibabaw na katawan. Wala ng bahid ng kalasingan sa mukha at kilos ni Jacqueline Cruz. [19.] Maya maya ay nakila ko si Avelino Angeles sa kuwarto. Hindi na ako nagtaka dahil alam kong pinasunod ito ni Jacqueline Cruz. [20.] Na nakita ko na akma pa lang gigisingin ni Avelino Angeles si Jacqueline Cruz pagdilat niya ay nakita niyang nakatingin ako, kaya bigla siyang sumigaw. [21.] Na walang paghalik sa dibdib na nangyari sa kuwarto sapagkat nakikita ko kung ano ang nangyari. May halikan na nangyari sa dalawa ngunit hindi sa kuwarto kundi sa may puno ng mangga sa may videoke. [22.] Mapatutunayan ko na walang puwersahan nangyari sa pagpasok ni Avelino Angeles sa kuwarto ni Jacqueline Cruz. Kagustuhan ni Jaqueline Cruz na pumunta sa bahay niya si Avelino Angeles para paligayahin siya, ayon sa nadinig kong sinabi niya kay Avelino Angeles. [23.] Matapos akong palayasin ay umuwi na ako sa bayan namin at ang ayokong tumestigo sa kaso ni Jacqueline Cruz na ipakulong ang taong wala [namang] kasalanan sa kanya. [24.] Na hindi ko inakala na maaari pa akong magbigay ng salaysay sapagkat pinapirma na ako ni Jacqueline. Nang mabalitaan ko sa Ternate na convicted daw si Avelino Angeles, nagtaka ako sapagkat hindi naman ako natuloy magtestigo. At alam kong walang kasalanan si Avelino Angeles. 4/21/2020, 9:21 AM

Select target paragraph3