3
Q9: Ano ang nangyari pagkatapos?
A9: Nagpasya na akong pumunta sa school, sa evacuation. Segundo lang
binaha na kami. Iyong mga sementong pader natibag. Mga bubong
na parang pumuputok o sumasabog. Nakita ko pa noon na malayo ang
tubig. May isang buong saging na puno na naanod. Doon kami
kumapit.
Q10: Sino ang kasama mo noon?
A10: 14 kami. 12 na matatanda at 2 bata. Kumapit kami sa naanod na puno
ng saging. Sinabi ko na huwag kami pumadyak at magpaanod lang
kami.
Q11: Ano ang nangyari pagkatapos?
A11: Akala namin nasa Pacific Ocean kami. Ang ulan, sa lakas parang
babaon na sa balat mo. Parang matutusok ka. 15 hanggang 30 minuto
o ilang oras siguro kami nagpalutang-lutang. May nakapa kami na
dahon-dahon na akala naming mababaw na. Pero noong nakita
naming iyong LEYECO electric post, tsaka namin napagtanto na
iyong tinatapakan pala naming ay puno ng Talisay. Pumitas ako ng
dahon kaya nalaman ko. Ganoon katas ang tubig.
Q12: Sa panahong iyon, ano ang sumagi sa isip mo?
A12: Tuloy lang. Iyong fighting spirit ko andoon kasi naisip ko na nasa
evacuation naman magulang ko at okay sila, kaya sarili ko lang iniisip
ko noon. Kung iniisip ko pa sila, baka nauna pa akong mamatay dahil
sila ang buhay ko.
Q13: Ano ang nangyari pagkatapos?
A13: Patuloy kaming nagpaanod. Kasabay na namin sa paglangoy mga
daga at ahas. Sila rin tuliro na. Yung mga daga kakapit pa sayo.
Sa may clubhouse ng Beta Bayview kami inanod. Nakita ko
maraming tao nakakapit sa mga puno ng niyog, sugatan sila kasi
nagpadaosdos sila pababa. Maraming patay sa school kung saan iyong
evacuation. Mga bata at matatanda…
Noong humina na ang hangin, nagpumilit na ako pumunta doon.
Nanghihina ako pumasok sa school. Una kong nakita ang pamangkin
ko… at nakita ko na pamilya ko. Buo sila at lahat buhay. Kahit iyong
premature baby namin na 7 months noon, anak ng pamangkin ko, ay
buhay at pinagpapasa-pasahan. Mabuti ang napasahan ay babae at
napasuso siya, napadede. Ngayon 4 years old na siya.
Kung ang tubig siguro ay umabot pa sa ilong, patay na sila kasi nasa
kisame na sila. Pero buti hanggang sa leeg lang. Iyong mga namatay,
iyon yung mga lumabas sa school at gusto pumunta sa mataas na
lugar.