Salaysay ni Bb. Dalia Nalliw
Dalia Nalliw, 23 taong gulang, taga-Bangaan, Ifugao, empleyado sa Ifugao
Cultural Heritage Office (ICHO).
(Ang Salaysay ni Bb. Dalia Nalliw ay kinuha noong noong ika-28 ng Hulyo
taong 2018 sa Bangaan, Ifugao. Ang Salaysay ay kinuha ni Gg. Mohammad
Rayyan M. Domado, Legal Assistant ni Attys. Hasminah D. Paudac at Grizelda
Mayo-Anda, kasama si Bb. Desiree Llanos Dee at Gg. Albert Lozada.)
Q1: Maaari mo ba kaming bigyan ng iyong maiksing personal na
impormasyon?
A1: Ako ay nakatapos ng BS Information Technology sa Benguet State
University. Ang tatay ko ay isang minero noon pero ngayon ay
kinukuha bilang kontraktor sa pagsto-stonewalling. Ang nanay ko
naman ay isang magsasaka kung saan nang-gagaling ang
pinambubuhay sa amin. Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Ifugao
Cultural Heritage Office (ICHO).
Q2: Ano ang katungkulan mo sa ICHO?
A2: Isa akong Administrative Aide. Isa ako sa mga nagpapatupad ng
programa ng aming opisina na tinatawag na School of Living Tradition
(SLT). Ang SLT ay binubuo ng tatlong activities: stonewalling,
handicrafts, at native songs and dances.
Q3: Ano ang nag-udyok sa iyo bakit mo pinili ang trabaho mo
ngayon?
A3: Ang kagustuhan ko na malaman ang tradisyon at kaugalian ng aming
mga ninuno ang nagtulak sa akin na mahalin ang trabaho ko. Marami
kasing hindi taga-rito ang nagtatanong sa akin. Nahihiya ako kapag
hindi ko nasasagot ang mga tanong tungkol sa sayaw, ritwal, bigas at
sa iba’t ibang aspeto tungkol sa kultura ng Ifugao. Dapat kasi
matutunan ko yun para maibahagi ko sa ibang tao.
Q4: Ano ang ginagawa ninyo na patungkol sa kultura at tradisyon?
A4: Sinisubaybayan at tinutulungan namin ang mga culture bearers na
naka-assign sa mga bata. Kapag may kaugnayan sa mga bata mula
11-15 na taong gulang ang programa namin, inuugnay namin sa
Department of Education (DepEd), tapos sila na ang pumipili ng
magiging culture bearers.
Q5: Ano ang culture bearer?
A5: Ang culture bearer ay ang taong tumutulong para ma-preserve ang
kultura at tradisyon namin dito sa Ifugao.