2
tagtuyot at mas mainit na panahon ayon na rin sa aking mga magulang
at sa natutunan ko tungkol sa climate change ay isa sa mga dahilan o
factor ng pagkasira ng mga pananim at unti-unting pagkawala ng
pagdadanso.
Q7: Sa epekto sa tanim muna... Ano ang mga tinatanim niyo?
A7: Sitaw, talong, kamote, mais at kung ano pang pwedeng gulay na
itanim. Pag-araro ng tatay ko ng bukirin, kami naman yung
maglalagay ng buto. Magtatanim din kami ng tangkay ng kamote
tapos tumutulong din kami sa pag-ani.
Q8: Gaano katagal ninyo inaani yung mga tinanim ninyo?
A8: Depende po sa tanim. May mga gulay din na “seasonal.” Yung mais
mga dalawa hanggang tatlong (2-3) buwan bago anihin. Iyong sitaw
naman lalagyan ng buho, iyong maliit na bamboo, tapos lalagyan ng
tansi, iyong lubid na maliit, tapos lalagyan ng istraw, isang (1) buwan
tutubo na yung sitaw.
Q9: Gaano kalaki yung tinatamnan ninyo?
A9: Mga siyam (9) na ektarya sa “ancestral domain” ng pamilya namin,
pero iba-iba po tanim doon. Bukod sa mga gulay at palay na sinabi ko,
mayroon ding mangga, saging, at niyog.
Q10: Kumusta naman ang ani ninyong mag-anak?
A10: Hindi na po sapat tulad dati. Dati sa isang pwesto ng aming bukid,
umaabot ng 40 kaban ng palay na nakukuha. May sobra pa para
ibenta. Ngayon kasi 30 kaban o mas mababa pa. Iyong naani na iyon,
iimbak ng magulang ko para may makain kami sa mga susunod na
buwan kasi mga tatlong (3) buwan bago pa maani ang palay. Minsan
kumukuha pa kami sa kamag-anak pag nagkulang. Dati hindi namin
nararanasan iyon kasi may sobra pa para ibenta. Iyong kamote namin,
dati maganda pa. Ngayon po nagkaka-ulalo o iyong umiitim siya kaya
hindi mo maibenta. Dati kasi pati iyong maliliit na kamote naibebenta
namin. Ngayon, kahit nagtanim kami ng kamote sa apat na linya ng
lupa, wala kaming naani dahil sa sobrang init. Namatay, nasira sila.
Q11: Nabanggit mo ang sobrang init, sa anong paraan naapektuhan ka
o ang iyong pamilya?
A11: Iyong nasabi kong kamote, halimbawa. Tag-ulan kasi namin siya
tinatanim. Ngayon, puro tag-araw at sobrang init kaya hindi na kami
nakakatanim ng kamote. Bawas na iyong produkto na pwede namin
kainin o ibenta. Dati, hindi rin naming problema iyong patubig o
irigasyon. Ngayon, sa sobrang init, pati mga ilog natutuyo kaya hindi
na mapatubig yung palayan namin. Humihiram na lang kami sa lolo
ko ng “power pump” para ma-supplyan ng tubig iyong palayan namin.
Dahil din doon, kelangan naming bumili ng “gas” para mapaandar