- hindi po pinag hintulutan ng
ama na ma bisita ako dito sa
kulungan, para daw hindi ika
hiya ng anak ang kalagayan ko
dito.
VI - PAG WAWAKAS AT PAGLIKHA NG SINING
A)
Ano sa tingin niyo ang pinaka importanting isyu na hinaharap ng mga kababaihan sa
kulungan na dapat agad tugunan?
1.
Dapat matugunan ang pangangailangan ng kubol, para maibsan naman ang mga tensyon sa
loob ng aming katawan bilang mga babae, at para naman magampanan namin ang aming tungkulin
para sa aming partner at asawa para hindi na sila maghanap ng iba at para naman sa maikling oras ay
maasikaso at mahalin nila kami
2.
Dapat mabigyan kami ng listahan ng aming mga karapatan, o proseso paano i-handle kung
kami ay maabuso sa loob. At dapat ito ay mai paskin sa mga lugar kung saan madali naming makita at
mabasa
3.
Dapat din ibigay ang insaktong oras ng dalaw, para naman maramdaman namin ang
insaktong pagmamahal sa pamagitan ng dalaw ng aming mga mahal sa buhay
4.
Sana matugunan ang aming reklamo tungkol sa proceso ng pagdala namin sa hospital
sakaling kami ay amkaranas ng sakit o karamdaman na hindi kailangan ang court order.
B) Dahil tayo ay magwakas sa katanungan ukol sa lakas at pag asa, para sa pangalawang bahagi ng
ating pag uusap, kami ay mag bigay ng tela sa bawat isa at mga amteryales pang drawing at
pagkulay, sa pamagitan ng pag drawing at pag kulay, ipakita ang inyung kasagutan sa tanong na, “
ano ang nagbibigay sa iyo ng lakas at pag asa kahit nasa loob ng kulungan?”
Ang mga naging sagot sa pamagitan ng drawing:
1.
Panginoon at ang taos pusong pananampalataya
2.
Pag asang matugunan ang kubol
3.
Ang makita ang mga anak sa paglabas ng kulungan matapos ma serve ang sentensya
4.
Ang pagpapatupad ng Good conduct time allowance o GCTA.
Mga actual na gawaing sining na kanilang nilikha :