2 A6: Malulukad o maaani mo yung kopras mga tatlong (3) buwan. Kaya bukod sa niyog, nagtatanim kami ng iba pang mga gulay tulad ng mga petsay, mustasa, kalamansi para may kita kami bago malukad ‘yung kopras. “Cash crops” kumbaga. Iyong kalamansi extra na kita iyon kaso ngayon kumonti kita doon nung nagsimatayan nga ang mga tanim na kalamansi dahil sa sobrang init. Iyong mga natira naman hindi na bumubunga ng marami kasi sa sobrang init may nalikhang peste na naging “resistant” siya. Nahuhulog na lang iyong bunga at nasisira. Nabubutas iyong kalamansi at nahuhulog kaya nawawalan ng halaga at hindi mo na maibenta. Q7: Ano po ang naging personal na epekto sa inyo ng pagkawala ng kalamansi at pagbabago ng “cycle” ng pagkokopras? A7: Pag-unti ng kita, bawas sa oras ng pagtatrabaho, madalas na pagkakasakit dahil sa tindi ng init ng araw at lamig sa gabi. Kadalasan sipon, ubo, at asthma ang mga sakit na nararanasan. Madalas kahit ulit-ulitin ay talagang sa matinding init at pagbabago ng klima ang dahilan ng pagkasira ng aming pangkabuhayan… pinagkakakitaan. Q8: Bukod sa inyong nasabi kanina, ano pa po ang inyong napansin na pagkakaiba sa inyong pagkokopras at pagtatanim ng gulay noon at sa ngayon, kung mayroon man? A8: Dati marami kaming nalulukad na kopras. Sa isang hektaryang lupa na kinokopras namin, 2,500 hanggang higit sa 3,000 “nuts” o kopras ang nalulukad namin (mga 10-15 nuts kasi bawat puno). Mula noong taong 2000, humigit-kumulang 1,000 nuts na lang. Ngayon, bumababa pa ‘yan. Sa gulay naman, dati makakaani ka ng hindi bababa sa sampung (10) kilo na petsay, mustasa, talong, at iba pa. Ngayon, mga anim (6) na kilo lang. Pati yung paraan ng pagtatanim naiba na rin. Q9: Ano po ang pagkakaiba sa paraan ng pagtatanim noon at ngayon? A9: Sa sobrang init, nababawasan iyong oras namin. Kung dati 6:00 o 7:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga, ngayon 6:00 hanggang 9:00 na lang ng umaga. Mga dalawang oras lang kasi mainit na. Sa sobrang init nga, hindi na magamasan (“weeding”). Q10: Nabanggit mo kanina iyong coco sugar na inumpisahan mo noong 2015. Bakit mo naman pinasok ito? A10: Humihina na kasi ang kita sa pagkokopras dahil nga malaking nabawas sa nalulukad pati narin sa nakukuha naming gulay. Noong nalaman namin na pwede pala ito at may “value,” umupa kami ng 1.6 na ektarya para sa coco sugar. Q11: Kumusta naman po ang pagcoco sugar ninyo?

Select target paragraph3