3 Q11: Anong mga buwan kayo nangingisda? A11: Kapag buwan ng Marso hanggang Oktubre, yan ang panahon na malakas ang pangingisda. Mula Nobyembre hanggang Pebrero naman, malakas ang hanging amihan dito sa amin kaya hindi kami nakakapangingisda. Q12: Sa panahon ng amihan, ano ang ginagawa ninyo? A12: Binubuhos po namin ang aming panahon sa pagtatanim. Iba kasi ang hangin kapag sa sakahan. Q13: May pagkakaiba ba sa sistema ng inyong pangingisda noon at ngayon? A13: Noon, 4:00 ng umaga, lumalaot na kami para makarating kami sa laot ng 6:00 ng umaga. Ngayon, sa tindi ng init ng araw, nababawasan din ang oras ng pangingisda. Mga 11:00 ng umaga, sobra na ang init. Q14: Ano ang kaibahan ng inyong kita noon at ngayon? A14: Sa pangingisda, mga 75% ang pagkakaiba o nabawas sa aming kinikita. Q15: Sabay niyo po bang ginagawa ang pangingisda at pagsasaka? A15: Dati, pwede mong pagsabayin. Sa umaga, pwedeng magsaka, sa gabi pwedeng mangisda. Q16: Sa ngayon, nagagawa niyo bang pagsabayin? A16: Ay hindi na. Hindi na kaya. Kailangan talagang tutukan ang isa. Kasi kung hindi tututukan, masisira ang isang kabuhayan. Noon kasi nasasabay ang dalawa kasi hindi masakit ang tirik ng araw at kaunti lang ang mga insekto. Bukod dito, mga Nobyembre hanggang Pebrero ay panahon ng amihan kaya hindi makapangisda kasi malakas ang hangin. Nagsasaka kami sa panahon ng amihan. Q17: Ano ang personal na epekto sa inyo ng matinding init at pagbabago ng klima, kung mayroon man? A17: Siyempre sa kalusugan natin. Dapat hindi na mababad sa matinding sikat araw. Malaki rin ang naging problema sa inuming tubig dahil humihina ang agos ng bukal na pinagkukunan namin ng tubig. Naapektuhan din ang edukasyon ng mga anak namin. Kapag lumiit ang kita, lahat talaga maaapektuhan. Pero, edukasyon ang prayoridad namin. Masipag akong maghanap ng scholarship at sponsor. Pumapasok din ako sa ibang negosyo katulad ng coco coir. Yung mga hibla na galing sa bunot ng niyog ay ginagamit sa geo net at tali, tapos yung natitira naman ay ginagawang pataba. Hindi sapat ang kita kaya naghanap ako ng ibang pagkakakitaan. Gusto rin namin makatulong sa kalikasan. Iyong bunot na pinapaanod lang sa dagat, nagiging basura sa dagat, kaya nagkaroon ng inisyatiba ang aming samahang SAMMABSI at Municipal Coconut Industry Development Council (MCIDC).

Select target paragraph3