2 Hindi na rin masabi sa ngayon kung tag-anong panahon. Dati, ang Marso hanggang Mayo, tag-init. Ang Hunyo hanggang Disyembre, tagulan. Sa ngayon, may minsang late na pumapasok ang tag-init o maulan ang dapat sana’y tag-init. At may mga tag-ulan na walang ulan… Matindi ang epekto po sa pangingisda at sa consignasyon kung hindi na ma-predict kahit papaano ang panahon... Q6: Ano ang matinding epektong iyon sa pangingisda? A6: Noon, medyo consistent pa na kapag panahon ng amihan, panahon talaga ng amihan. Kapag panahon ng amihan, halos predictable kung anu-anong isda ang nahuhuli at gaano karaming isda ang nahuhuli... Halimbawa, pangkaraniwang nahuhuli ay espada, pindangga, pusit, indong, malabanos... at madalas sinasalok lang namin ang pusit... napakaraming huli at napakadaling mangisda gamit lang ay kawil (hook and line). Bawat klase ng isda, mga 15 hanggang 20 kilos ang nahuhuli mula sa pagkakawil at nabibili iyon ng P80 hanggang P100 kada kilo. Sapat na ang dating kinikita ng mag-iisda para mabuhay ang pamilya nang kahit papaano ay maayos at nakakapagpaaral ang mga anak at nakakapagtabi pa ng konting ipon. Sa ngayon, volume ng huli ang malaking nagbago. Malaki na ang iniliit na kabuuhang pang-araw-araw na bagsak ng isda sa aming consignasyon. Tsamba tsamba na ang huli… Nagbago na ang hangin, minsan maigsi ang tag-amihan… Q7: A7: Kapag sinasabi n’yo po na ‘noon’, kailang po ‘yung noon? Mga 10 years ago... Q8: Matatantya n’yo po ba kung gaano kaliit ang iniliit ng volume ng ibinabagsak na isda sa inyong consignasyon? A8: Baka 50% or higit pa ang nabawas po sa volume ng huli. Q9: Bukod pa po sa nagbagong volume ng ibinabagsak na isda, may iba pa kayong napansing pagbabago? A9: Dati pumapalaot ang mangingisda bandang ala una ng umaga at nakakabalik sa pampang, dala ang marami at sari-saring huli, mga bandang alas 6 o alas 7 ng umaga. Sa ngayon, may mga bagsak na tanghali na kasi walang isdang mahuli. Mas matagal na ang pangingisda pero mas kaunti ang huli. Dati, hindi pa kalayuan, marami nang makakawil. Sa ngayon, napakalayo na nang hayon, wala pang makuhang isda. Iyong iba na ayaw umuwi nang walang dala, pumapalaot pa nang malayo sa South China Sea at inaabot ng dalawa o ilang araw para lang makakuha ng isda. Mas mahirap at mas mapanganib… At minsan din kahit matagal o malayo ang pangingisda, wala talagang mahuling isda... para bang lumalayo ang isda kasi sobrang init at

Select target paragraph3