CHR INTRODUCTION
Dir. Renante A. Basas, M.D.
Director HRCMO
agandang Hapon sa ating lahat.
Binabati ko po kayo sa inyong 47th Annual
Meeting. Congratulations po!
Alam na po ba ng lahat kung ano ang Komisyon ng Karapatang Pantao?
(Commission on Human Rights). Ito po ay isang Pambansang Institusyon na
nangangalaga at nagtataguyod ng mga karapatang pantao ng lahat ng Pilipino at
kasama rito ang mga karapatang pantao ng lahat ng mga Katutubo.
Isa sa mahahalagang mga mandato ng Komisyon ay ang pag-i-imbestiga sa mga
paglabag sa mga karapatang pantao ayon sa CPR (Civil Political Rights) at ESCR
(Economic Socio Cultural Rights).
Ikalawa, nagbibigay rin po ang CHR ng tulong pinansyal at legal sa mga ina-abuso
ang mga karapatang pantao.
Ikatlo, ang CHR ay nagtataguyod ng Edukasyon tungkol sa karapatang pantao.
Ikapat, kami po ay bumibisita sa mga kulungan sa buong Pilipinas para tingnan kung
ano ang kalagayan ng mga kapatid natin na naka-kulong. Titingnan ang kanilang
kondisyon kung ito ay naaayon sa mga karapatang pantao.
Noong 2016 ang Komisyon ay nagtatag ng isang opisina para matutukan ang mga
kababayan natin na nasa laylayan ng lipunan (marginalized groups). Ang tawag dito
ay Human Right Center Management Office (HRCMO) at ito ay mayroong apat na
centers: a) Child Rights Center; b) Center for Gender Equality and Women Human
Rights; c) Economics Social and Cultural Rights (ESCR) Center; and lastly d) Center
for Crisis Conflict and Humanitarian Protection.
Ang mga usapin ng mga Katutubo ay napapaloob sa ESCR na pinangungunahan at
pinamumunuan ni Atty. Jess.
Samantalang ang Child Rights Center ay
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[7]